Kalunos-lunos! Mga natupok na bangkay ng 1 mag-anak, nadiskubre

Kalunos-lunos! Mga natupok na bangkay ng 1 mag-anak, nadiskubre

- Ilang araw matapos masunog ang bahay ng pamilya Ayangod ay tsaka palang nadiskubre ang kanilang mga bangkay

- Ayon sa awtoridad, walang nakapagsabi sa kanila na mayroong mga naiwang tao sa bahay nang masunog ito

- Bukod dito ay wala ring kamag-anak na naghanap sa mga ito at may nakapagsabing nakita pa ang padre de pamilya na nakalabas mula sa nasusunog na bahay

- Isasailalim naman sa autopsy ang mga bangkay na positibong kinilala ng isa sa mga kaanak nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nangangamoy na ang apat na bangkay ng isang mag-anak sa Cagayan de Oro nang matagpuan ang mga ito ng mga awtoridad.

Sabado nang madiskubre ang mga bangkay pagkatapos masunog ang kanilang tahanan sa Zone 3, Barangay 22 noong Miyerkoles lang batay sa report ng ABS-CBN News (Author, Maricel Butardo).

Kalunos-lunos! Mga sunog na bangkay ng 1 mag-anak, nadiskubre sa CDO

Photo from Cagayan de Oro Volunteer Fire Brigade Facebook page
Source: Facebook

"Nangangamoy na. Di sila madaling makita dahil natabunan sila ng mga debris. May dalawang cadaver kami na natagpuan sa ikalawang palapag ng bahay, tapos yung isang bangkay nakadapa nasa kwarto, yung isa naman nakatihaya sa may kitchen area," ayon kay FO3 Jesreel Lasaga, imbestigador ng Cagayan de Oro City Fire District.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dagdag pa ni Lasaga, walang nakapagsabi sa kanila na mayroong mga naiwang tao sa bahay nang masunog ito.

Bukod dito ay wala ring kamag-anak na naghanap sa mga ito at may nakapagsabing nakita pa ang padre de pamilya na nakalabas mula sa nasusunog na bahay.

"Walang kamag-anak na naghanap sa kanila. Walang nakapagsabi sa amin na may naiwang tao sa loob ng bahay.

"Ilang araw akong pabalik-balik sa fire scene dahil hinahanap ko nga si Ador, yung may-ari ng bahay. Nakalabas pa kasi siya sabi nung isang kapitbahay niya, bago lumaki ang apoy, pero hindi namin sya mahagilap," anito.

Kinilala ang mga biktima na sina Ador Ayangod, 53, kapitan ng barko. Ang asawa nitong si Juliet at mga anak na sina Joseph at Ester na kapwa mga estudyante pa lamang.

Isasailalim naman sa autopsy ang mga bangkay na positibong kinilala ng isa sa mga kaanak nila.

"Prineserve namin ang fire scene, naka-cordon pa ngayon. Dahil hindi pa tapos ang aming imbestigasyon. Makakatulong din yung autopsy report ng mga bangkay sa imbestigasyon namin para matukoy ang sanhi ng sunog," ani Lasaga.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, kamakailan lang ay bumulaga naman ang balita tungkol sa kalunos-lunos na sinapit ng isang empleyado na nasawi matapos sumabog ang isang oxygen tank.

Dalawang malaking sunog din ang gumimbal sa France at UAE.

Ilang OFW naman ang nasawi dahil sa naganap na pagsabog sa Beirut kamakailan.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel