Babala! Naiwang charger, hinihinalang dahilan ng sunog sa Maynila

Babala! Naiwang charger, hinihinalang dahilan ng sunog sa Maynila

- Tinatayang 15 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos tupukin ng apoy kagabi sa Maynila

- Nakalimutan na nga ng mga residente ang magsuot ng face masks at nawala na rin ang social distancing para maisalba ang pamilya at ilang kagamitan

- Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naiwanang charger ang posibleng dahilan nito batay na rin sa pahayag ng may-ari ng bahay kung saan nagmula ang sunog

- Tinataya namang nasa P300,000 ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga nawalang ari-arian

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Tinatayang 15 pamilya ang nawalan ng tirahan sa Barangay 267, Sta. Cruz sa lungsod ng Maynila matapos tupukin ng apoy ang mga ito kagabi.

Ayon sa report ng TV Patrol, hinihinalang naiwang charger ang dahilan ng sunog, batay na rin sa pahayag ng may-ari ng bahay kung saan nagmula ang sunog.

Babala! Naiwang charger, hinihinalang dahilan ng sunog sa Maynila
Photo from Flickr
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

3 estudyante, natagpuang patay; paghihiganti, posibleng motibo

"Charger daw po ng cellphone, ayun po yung sinabi nung may-ari ng bahay. Naiwanan daw po. Nung nagsisigawan na yung mga tao, nakita namin malaki na 'yung apoy, mabilis nang kumalat yung apoy," ayon sa isang kagawad ng barangay.

Dala na rin nang pagkataranta at para mailigtas ang pamilya at ilang kagamitan, nakalimutan na ng mga residente ang magsuot ng face masks at hindi na rin nasunod ang social distancing.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi dahil sa trahedyang ito.

Tinataya namang nasa P300,000 ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga nawalang ari-arian.

Sa gitna pa man din ito ng kinakaharap na problema ng maraming Pinoy dulot ng COVID-19 pandemic.

Mahigpit pa namang pinapaalala ng mga opisyal ng pamahalaan ang pananatili sa bahay para makaiwas sa virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

Samantala, kamakailan ay naiulat naman ang tungkol sa nadiskubreng bangkay ng isang mag-anak sa loob ng nasunog nilang bahay.

Isa namang mag-asawa ang isinakripisyo ang sarili para mailigtas ang kanilang apo sa loob ng nasusunog nilang bahay.

Patuloy namang nagpapaalala ang mga awtoridad na mag-ingat para makaiwas sa sunog.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone