Ogie Diaz, nilinaw ang tungkol sa artistang 'di na makakabalik sa ABS-CBN

Ogie Diaz, nilinaw ang tungkol sa artistang 'di na makakabalik sa ABS-CBN

- Matapos magsalita ni Maja Salvador kaugnay sa lumabas na isyu kung saan dinadawit ang kanyang pangalan, muling nagbigay ng kanyang reaksiyon si Ogie Diaz

- Matatandaang nagbigay ng blind item si Ogie kasama si Mama Loi sa kanilang online show na Showbiz Updates

- Ito ay tungkol sa dalawang artistang may initials na "M" at "B" na umano'y mahihirapang makabalik sa ABS-CBN

- Matapos lumabas ang blind item, marami sa mga netizens ang nagsabing sina Maja Salvador at Billy Crawford ang tinutuloy nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan ay binasag ni Maja Salvador ang kanyang pananahimik matapos siyang madawit sa isyu kaugnay sa lumabas na blind item tungkol sa mga artistang sina "M" at "B" na ayon kay Ogie Diaz ay mahihirapang makabalik sa ABS-CBN kapag makabalik na sa ere ang TV network.

Ogie Diaz, nilinaw na ang tungkol sa artistang 'di na makakabalik sa ABS-CBN
Photo from Maja Salvador (@iammajasalvador)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

"It's Showtime" hosts, naiyak matapos mabiktima ng prank ni Vice Ganda

Mariing pinabulaanan ni Maja Salvador ang isyu at sinabing nakapagpaalam siya ng maayos bago siya lumipat.

Nilinaw naman ni Ogie na taliwas sa mga lumalabas na hindi na talaga makakabalik, ayon sa kanyang napag-alaman mula sa kanyang source, mahihirapan umano silang makabalik o di kaya ay sila ang pika-least priority kung sakali.

Gayunpaman, tumanggi pa rin itong pangalanan ang kanyang tintutukoy na artista na umano'y nagyaya pa ng ibang kasamahan sa ABS-CBN na sumama sa kanilang paglipat sa TV5.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Naniniwala din si Ogie na talented naman sina Maja at Billy kaya hindi naman imposibleng makabalik sila sa ABS-CBN lalo na kung kakailanganin ang kanilang talento sa Kapamilya Network sakaling muli itong makapag-operate na muli.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Maja Salvador ay isang aktres, performer, recording artist at product endorser. Sumikat siya dahil sa kanyang husay sa pag-arte at pagsayaw. Sa katunayan binansagan siyang Queen of the dance floor.

Read also

Viral na jeepney driver na namamalimos, "nagkakalog" pa rin makalipas ang 1 taon

Matatandaang isa si Maja Salvador sa lumipat sa TV5 matapos tuluyang ibasura ang franchise renewal ng ABS-CBN. Nagkaroon siya ng Sunday noontime show na Sunday Noontime Live! sa TV5 na tumagal lamang ng tatlong buwan. Matapos ang pagkakansela ng kanilang show, nanatiling positibo ang aktres.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel