Viral na delivery man na naka-roller blades, mabibigyan ng motorsiklo

Viral na delivery man na naka-roller blades, mabibigyan ng motorsiklo

- Nag-viral ang video kung saan buong tapang na tinatahak ng isang delivery man ang highway kahit siya ay naka-roller blades

- Marami ang bumilib sa sipag at tiyaga ng delivery man dahil higit na nakakapagod ang mag-roller blades

- Ngunit dahil sa marami ang nagmalasakit sa kanya, mayroong nais na magbigay sa kanya ng bisikleta

- Mayroon ding nagpabatid na nais nila itong bigyan ng motorsiklo upang mas maging ligtas ito kahit na paano sa trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos na mag-viral ang video na ibinahagi ni JuanLuis Inigo Conde, marami na ang nais na magpaabot ng tulong sa delivery man na naka-roller blades lamang sa paghahanapbuhay.

Nalaman ng KAMI na marami ang namangha sa sipag at tiyaga ng delivery man kahit na mapanganib at mas nakakapagod ang kanyang trabaho.

Read also

Imbis na katakutan; Video ng poso na kusang naglalabas ng tubig, kinagiliwan ng netizens

Binabaybay niya kahit ang highway gamit lamang ang kanyang roller blades para makapag-deliver.

Viral na delivery man na naka-roller blades, mabibigyan ng motorsiklo
Photo from JuanLuis Inigo Conde
Source: Facebook

Dahil sa kanyang kahanga-hangang determinasyon sa trabaho, marami ang nagpadala ng mensahe sa uploader ng video at nais na makilala ang delivery man.

Agad naman nilang natagpuan ang lalaking naka-roller blades na si Ronnie Conocido Lui na bahagi ng "Rollermoves" delivery.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ito pala talaga ang dahilan kung bakit siya naka-roller blades sa pagde-deliver dahil ito ang kaibahan niya sa ibang delivery services.

Gayunpaman, maraming netizens ang nag-aalala sa kanyang kaligtasan kaya naman mayroong mga nagmalasakit na bigyan siya ng bisikleta.

Mayroon ding nagpadala ng mensahe kay Juan Luis na padadalhan nila ng motorsiklo si Ronnie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Jollibee customer na animo'y nanalo sa beauty pageant, kinagiliwan ng netizens

Noong nakaraang taon, nag-viral din ang isang Grade 12 student na rumaraket ng pagde-deliver gamit ang kanyang roller blades. Isa sa mga napabilib niya ay si Gretchen Ho na nabigyan siya ng bisikleta.

Maituturing na rin na mga frontliners ang mga delivery riders ngayong pandemya. Habang ang marami sa atin ay nananatili lamang sa mga tahanan, sila ang sumusuong sa panganib sa labas, maihatid lamang ng maayos ang ating mga order.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica