Viral delivery boy na naka-roller blades, Gr. 12 student na tumutulong sa pamilya

Viral delivery boy na naka-roller blades, Gr. 12 student na tumutulong sa pamilya

- Mabilis na nag-viral ang larawan ng isang delivery boy na roller blades ang ginagamit

- Agad niyang nilinaw na hiniram lang niya ang bag ng ama na siyang delivery rider ng Grab

- Ngunit dahil sa nagkasakit ito, tigil muna ang ama sa trabaho kaya dumidiskarte na rin ang Grade 12 student upang makatulong sa pamilya

- Kwento pa niya na ang kanyang ina ang kumuha ng larawan na di niya inaakalang magiging viral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kean Arcilla Ramos (Photo from Facebook)

Kean Arcilla Ramos (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Pumukaw ng atensyon sa mga netizens ang kakaibang gamit ng isang delivery boy sa paghahatid ng mga orders.

Nalaman ng KAMI na isa pa lang Grade 12 student ang binatilyong ito na si Kean Arcilla Ramos.

Ayon sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News, ang kanyang ama talaga ang food delivery rider ng Grab.

Ngunit dahil sa karamdaman, kinailangang tumigil nito sa pagtatrabaho.

Ito rin ang naging dahilan ng 18-anyos na estudyante na gumawa ng paraan para kumita.

Dahil tigil trabaho ang kanyang ama, hiniram niya muna ang food bag nito upang makapag-deliver siya ng mga produkto niyang binebenta tulad ng coffee jelly at choco jelly.

"I really thought of this business to help my father. But then sobrang hirap po dinanas ko noong una. Sobrang demotivated 'pag nare-reject and walang bumibili," kwento ni Kean.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit hindi siya nagpatinag sa mga pagsubok sa pag-uumpisa ng munting negosyo.

At dahil sa wala rin siyang sasakyan, naisipan niyang gamitin ang kanyang roller blades upang makapag-deliver ng kanyang paninda nang walang gastos.

Napulot lamang umano ng kanyang tiyahin na nasa Singapore ang roller blades at ipinadala sa kanya.

Ngayon, napakalaki na ng pakinabang niya rito at bahagi na ito ng pag-usbong ng kanyang negosyo.

Kaya naman nang i-post ng kanyang ina ang kakaibang diskarte niya sa pagdedeliver, hindi niya akalaing mabilis itong magiging viral.

"Si mama kasi mahilig mag-picture 'yan sa'kin po dahil proud po 'yan sa mga ginagawa ko. Nainis pa nga po ako 'pag pini-picturan ako niyan tapos ia-upload sa Facebook," aniya.

Samantala, matapos na hangaan si Kean dahil sa kasipagan at diskarteng pinakita niya sa viral post, agad siyang nabiyayaan.

Isa kasi siya sa masuwerteng nabigyan ng bike ni Gretchen Ho ng bagong bike na kanyang magagamit sa delivery.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang proyekto ni Gretchen ang #DonateABikeSaveAJob na naglalayong mamahagi ng mga bisikleta sa mga empleyado at trabahador na walang masakyan papasok ng kani-kanilang trabaho.

Mula nang sumailalim sa iba't ibang community quarantine sa bansa, limitado ang pampublikong transportasyon kaya naman nahirapan ang ilang mamamayan sa pagpasok sa trabaho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel