Imbis na katakutan; Video ng poso na kusang naglalabas ng tubig, kinagiliwan ng netizens

Imbis na katakutan; Video ng poso na kusang naglalabas ng tubig, kinagiliwan ng netizens

- Viral ngayon ang video ng poso na kusang naglalabas ng tubig kahit wala namang taong gumagamit nito

- Makikita sa video na sa anino, walang mkikitang tali na maaring mahila para mapagana ang poso

- Subalit imbis na katakutan, natuwa pa ang netizens na nagbirong masipag ang multo sa may poso

- Sa ngayon, nasa 49,000 na ang reactions ng video at 125,000 na rin ang shares nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang video ng poso na kusang naglalabas ng tubig kahit walang gumagamit nito.

Nalaman ng KAMI na imbis na katakutan ang video, tila naaliw pa ang mga netizens at nagbiro na masuwerte ang may bahay dahil masipag umano ang multo na nasa kanila.

Imbis na katakutan; Video ng poso na kusang naglalabas ng tubig, kinagiliwan ng netizens
Photo from Jonathan Abad Grospe
Source: UGC

Sa naturang video na ibinahagi ni Jonathan Abad Grospe nitong Mayo 14, makikitang tila may nag-iigib sa poso kahit wala namang tao.

Read also

Delivery rider, nabaliktad ng customer at inireklamo rin sa pag-post ng kanilang address

Hindi rin daw masasabi na may tali ang naturang poso gayung makikita sana ito sa anino kung saan nakita naman ang anino ng kumukuha ng video.

At kahit na naroon si Jonathan ay hindi pa rin tumugil sa paglabas ng tubig ang poso.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Kuya, ito po ang address namin pakibulungan po 'yung multo na pati rin po sana dito mag-igib siya"
"Masuwerte po kayo kayo kuya kasi masipag at may pakinabang yang multo sa inyo, Itong sa amin panay sitsit lang"
"Feeling ko gustong magkaroon ng abs yung mumu sa inyo kaya panay ang bomba niya"
"Ang creepy pero nakakatuwa, lakas trip ng mumu hehehe baka brokenhearted"
"Sa una medyo natakot ako pero naisip ko kung dito yan sa bahay, sabihan ko siya na maglaba na rin. hehe"

Read also

Jollibee customer na animo'y nanalo sa beauty pageant, kinagiliwan ng netizens

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon halos 50,000 na ang reactions ng video at 125,000 na rin ang shares nito.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nitong nakaraang taon, binalot ng kababalaghan ang opisina ng Raffy Tulfo in Action kung saan kinailangan pa nilang papuntahin ang ilan sa mga paranormal experts sa bansa tulad nina Ed Caluag at Ana Dela Cruz.

Matapos na masuri ang lugar at mapabendisyunan sa pari, hindi na muling ginambala pa ang opisina ni Tulfo hanggang sa makabalik na muli sila sa studio ng RTIA.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica