Chito Miranda, sinagot ang netizen na pinuna ang pananalita ng anak na si Miggy

Chito Miranda, sinagot ang netizen na pinuna ang pananalita ng anak na si Miggy

- Sinagot ni Parokya ni Edgar vocalist ang isang netizen na pumuna sa anak na si Miggy

- Ayon kasi sa naturang netize, hindi raw maintindihan ang pagsasalita ng panganay nina Chito at Neri Miranda

- Nagawa pang tanungin ng netizen kung ilang taon na raw ba ito

- Ang iba namang netizens, hindi naiwasang ipagtanggol si Miggy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad na sinagot ng Parokya ni Edgar vocalist ang OPM legend na si Chito Miranda Jr. ang isang netizen na pumuna sa pagsasalita ng anak na si Miggy.

Sa isang video na ipinost ng aktres at asawa ni Chito na si Neri Naig Miranda, isang napakahabang word ang binanggit ni Miggy.

Maraming fans ang bumilib sa panganay nina Chito at Neri dahil nabanggit nito ng deretso ang nasabing salita.

Chito Miranda, sinagot ang netizen na pinuna ang pananalita ng anak na si Miggy
Photo: Miranda family (@mrsnerimiranda)
Source: Instagram

Ngunit isang netizen ang pumuna rito at tinanong pa kung ilang taon na raw ba si Miggy dahil hindi maintindihan ang pananalita nito.

"Ilang taon na siya kasi yung speaking words nya d pa masyado ma intindihan eh.." ayon sa netizen.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagreply naman dito si Chito at sinabing: "Ay it's a song po from Mary Poppins. Baka di lang kayo familiar kaya di mo naintindihan po."

Ilang netizens naman ang hindi naiwasang ipagtanggol si Miggy.

Ang "Supercalifragilisticexpialidocious" ang eksaktong salita na binanggit ni Miggy sa Instagram post ni Neri ay isang English word na may 34 na letra, na nasa isang kanta sa Disney musical movie na Mary Poppins.

Samantala, sa isang IG post naman ni Chito, proud daddy ito sa anak na si Miggy na napasabak na sa pictorial para sa isang brand ng damit pangbata.

Hindi rin nito naiwasang ibahagi ang nakakatawang sagot ni Miggy nang tanungin niya ito tungkol doon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, nagbigay ng mensahe si Chito para kay Neri noong Mother's Day at sinabi nito na malaki ang pasasalamat nito sa kanyang asawa.

Si Alfonso "Chito" Y. Miranda Jr. ay isang Filipino singer-songwriter sa bansa. Ito ay bokalista sa sikat na bandang Parokya ni Edgar na itinuturing nang haligi ng Musikang Pinoy.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel