Chito Miranda, masayang inanunsyo ang muling pagbubuntis ng misis na si Neri

Chito Miranda, masayang inanunsyo ang muling pagbubuntis ng misis na si Neri

- Sa mismong Mother's Day, inanunsyo ni Chito Miranda na buntis ang misis niyang si Neri sa kanilang baby number 2

- Matapos ang cute na greeting nila ng kanyang panganay na si Miggy para kay Neri, sumunod na ang post tungkol sa kanyang makulit na anunsyo

- Sa larawang ibinahagi ni Chito, kasama niya si Neri na kita na ang "baby bump"

- Marami ang agad na bumati sa isa sa mga maituturing na matagumpay at kahanga-hangang couple sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Super excited ang lead vocalist ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda nang i-anunsyo nito ang muling pagdadalangtao ng kanyang misis na si Neri Naig-Miranda.

Nalaman ng KAMI na sa mismong Mother's Day, inanunsyo ni Chito ang pagbubuntis ni Neri sa kanilang baby number 2.

Chito Miranda, masayang inanunsyo ang muling pagbubuntis ng misis na si Neri
Photo: Chito Miranda
Source: Facebook
"Happy Mothers' Day!!! Busog lang ako. Si Neri, magiging mommy na ulit...and again, "walaaaaang tulugaaaan!!!" Pero sa totoo, excited na excited na ko hehe!"

Read also

Mother's day balloon surprise sa isang ina, pareho ng sinapit sa kantang "Ako ay may lobo"

Mabilis na nag-viral ang post kung saan makikita si Neri na naka-swimsuit at kita na ang kanyang "baby bump" at kasama si Chito na nakipagkulitan sa larawan.

Marami ang agad na bumati sa maituturing na isa sa mga matatagumpay at kahanga-hangang couple sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Alfonso "Chito" Y. Miranda Jr. ay isang Filipino singer-songwriter sa bansa. Ito ay bokalista sa sikat na bandang Parokya ni Edgar na itinuturing nang haligi ng Musikang Pinoy.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, tahasang sinagot ni Chito ang tanong ng netizen kung si Neri na ba ang bumubuhay sa kanila. Subalit, si Neri na mismo ang nagpaliwanag na mayroon silang kanya-kanyang investment ni Chito. Kaya naman kahit walang gigs ang banda nito, marami pa rin na pumapasok na income sa kanya.

Read also

24 Oras reporters, hinangaan kung paano naisalba ang "na-suspend" na report

Gayunpaman, super proud talaga si Chito sa kanyang "wais na misis" na marami nang na-inspire at natulungan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel