Mother's day balloon surprise sa isang ina, pareho ng sinapit sa kantang "Ako ay may lobo"

Mother's day balloon surprise sa isang ina, pareho ng sinapit sa kantang "Ako ay may lobo"

- Napakanta ang mga netizens ng "Ako ay may lobo" nang mapanood ang isang TikTok video

- Mother's Day balloon surprise sana ito sa isang ina subalit sa kasamaang palad, lumipad ang lobo

- Mayroon pa namang nakadikit na pera sa lobo kaya naman ito ay nalipad na rin

- Naaliw ang ma netizens sa viral video ngunit nanghinayang din sa sinapit ng regalo sana sa isang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayong Mother's Day ang TikTok video ng balloon gift surprise sa isang ina.

Nalaman ng KAMI na hindi lang basta lobo ang regalo kundi may nakadikit din kasi rito na pera.

Sa video na ibinahagi ni "france_0820" sa kanyang TikTok, makikita ang ina na excited pa naman na magtanggal ng ribbon ng regalo sa kanya.

Mother's day balloon surprise sa isang ina, pareho ng sinapit sa kantang "Ako ay may lobo"
Mother's day balloon surprise (Photo from france_0820 TikTok)
Source: UGC

Ngunit dahil isa itong lobo, hindi nila inaasahang lilipad ito ng mabilis kasama na rin ang kalakip na pera para sana sa ina.

Read also

Vlogger, nagpanggap na pulubi na nais makausap ang nanay niya ngayong Mother's Day

Makikita ang pagkagulat ng nanay sa sinapit ng kanyang lobo.

Dahil dito, magkahalong tuwa at panghihinayang ang naramdaman ng mga netizens ngunit karamihan daw sa kanila ay napakanta ng "Ako ay may lobo."

Kasalukuyan nang may 302,400 hearts ang naturang video.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Literal na nangyari sa kantang ako ay may lobo"
"Sayang ang pera ko, kasama ng lobo... naku nanay napakanta po ako sorry"
"Sayang naman ang pera, pinambili at kasama ng lobo... Happy Mother's Day po!"
"Happy Mother's Day pa rin po nanay, importante napasaya kayo ng mga mahal niyo sa buhay"
"Parang music video ng Ako ay may lobo, happy mother's day po sa inyo"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Video ng paglalambing ng anak sa kanyang ina, nagpaluha sa maraming netizens

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, nag-viral din ang video ng isang anak na naglambing sa kanyang ina. Wala man daw siyang regalo sa kanyang nanay, pangako naman niyang hindi ito pababayaan kailanman.

Gayundin ang isang frontliner na nanay na minsang nag-viral dahil binalot pa niya talaga ng plastik ang anak para lamang mayakap ito noong nakaraang taon. Ngayon, masaya na niyang kapiling ang anak sa Araw ng mga Ina.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel