Dugyot na quarantine facility na inireklamo ng OFW, ipasasara ni Raffy Tulfo

Dugyot na quarantine facility na inireklamo ng OFW, ipasasara ni Raffy Tulfo

- Inireklamo ng isang OFW ang quarantine facility na kanyang tinuluyan sa San Pablo Isabela

- Masasabing "dugyot" ang naturang pasilidad dahil bukod sa marumi ay wala pang tubig ang mga gripo kaya hindi malinisan ng maayos

- Bukod dito, wala ring rasyon ng pagkain ang mga naka-quarantine na dapat ay kasama sa budget ng pananatili nila roon

- Nakapanayam ni Tulfo ang alkalde ng lugar na tila hindi pa nabibisita ang naturang quarantine facility

- Iminungkahi rin niyang ipasasara na lamang ito sa lalong madaling panahon upang hindi na maging kawawa ang mga mananatili roon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang overseas Filipino worker na si Karen Ann Atuan Ramos upang ireklamo ang natuluyan niyang quarantine facility sa San Pablo, Isabela.

Nalaman ng KAMI na nilarawan itong "dugyot" dahil sa dumi at tila hindi pinaghandaan ng maayos lalo na sa mga kababayan nating OFW na mananatili roon bago tuluyang makauwi sa kani-kanilang mga pamilya.

Read also

Patreng Non ng Maginhawa pantry, nakatatanggap na ng banta sa kanyang seguridad

Sa mga larawang ipinakita ni Karen sa 'Idol in Action', makikitang pinagdugtong-dugtong lamang na mga upuan ang kanilang higaan.

Dugyot na quarantine facility na inireklamo ng OFW, ipasasara ni Raffy Tulfo
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Dinalhan pa siya ng kutson ng kanyang ina upang may maayos siyang mahigaan.

Wala ring tubig sa gripo ng paaralan na ginawang quarantine facility kaya naman kahit gusto nila itong linisin, hindi nila magawa.

Dinadalhan na lamang din sila ng pagkain ng kanilang mga kaanak na dapat umano ay rasyon sa kanila ng kanilang lokal na pamahalaan bilang bahagi ng quarantine.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nang makapanayam ni Tulfo ang alkalde na si Mayor Antonio "Jojo" Miro Jr. Tila hindi pa pala nito nabibisita ang kalagayan ng mga naka-quarantine at sinabing pupuntahan pa lamang niya agad.

Iminungkahi na agad ni Tulfo na ipasara ang naturang pasilidad na kitang-kita naman na hindi maayos ang magiging kalagayan ng mga malalagay sa quarantine.

Read also

Jelai Andres, kinaaliwan sa kanyang pasaring tungkol sa couple earrings

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa sa mga natulungan kamakailan ni Tulfo ay ang twin beatboxer ng Cebu na binigyan niya ng surpresa ang pamilya.

Gayundin ang kambal na bulag na iniwan na ng kanilang ina sa kanilang lola. Nabigyan niya ng tulong pinansyal ang lola, mga laruan ang mga bata at iba pang mga pangangailangan nila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica