Olivia Culpo, nagpaliwanag tungkol sa kanyang viral 'confused face' sa 69th Miss Universe

Olivia Culpo, nagpaliwanag tungkol sa kanyang viral 'confused face' sa 69th Miss Universe

- Inihayag mismo ni Olivia Culpo ang kwento sa likod ng kanyang viral photo na nakuha nago i-anunsyo ang pinakabagong Miss Universe

- Humingi siya ng paumanhin dahil tila na-misinterpret ang kanyang reaksyon na nakunan ng larawan

- Naglabasan kasi ang mga internet memes kaugnay ng kanyang larawan na may mga iba't ibang caption

- Dahil dito, maging siya ay gumawa ng sarili niyang caption para sa mga larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas na ng pahayag si Olivie Culpo kaugnay sa kanyang viral "confused face" photo na kumalat matapos ang kanyang hosting stint sa 69th Miss Universe.

Nalaman ng KAMI na sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi rin ni Culpo ang naturang larawan kasama ang paliwanag kung bakit til naguguluhan siya sa kanyang binabasa kung saan nakasaad kung sino ang nagwagi sa prestihiyosong beauty pageant.

Read also

Rabiya Mateo, kinaaliwan sa kanyang caption na "Lotlot and friends"

Olivia Culpo, nagpaliwanag tungkol sa kanyang viral 'confused face' sa 69th Miss Universe
Photo: Olivia Culpo (@oliviaculpo)
Source: Instagram
"I don’t think I have ever concentrated so hard on reading in my life than when announcing the winner of Miss Universe this weekend. I was so terrified of reading the wrong country"

Dahil sa sobrang pag-iingat na magkamali siya sa pagbabasa ng bansa ng kandidatang nanalo, tila na-misinterpret umano ang kanyang "reading face" na talagang nag-viral.

"Apparently, I need to work on my reading face and I’m sorry if this was misinterpreted in any type of way"

Sinabi rin niyang labis lamang siyang nag-concntrate sa kanyang binabasa at wala umanong ibang kahulugan ang kanyang reaksyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Olivia Culpo, nagpaliwanag tungkol sa kanyang viral 'confused face' sa 69th Miss Universe
Photo: Olivia Culpo (@oliviaculpo)
Source: Instagram
"Every girl was beautiful and most importantly sweet and kind"

Samantala, dahil sa marami na rin ang mga gumawa ng memes at caption sa kanyang larawan, maging si Culpo mismo ay nagbigay na rin ng sarili niyang caption kinagiliwan niyang larawan.

Read also

Eula Valdes, binigyang pugay ang mga delivery riders nang maranansang magmotorsiklo

Narito ang ilan sa kanyang naibahagi:

Olivia Culpo, nagpaliwanag tungkol sa kanyang viral 'confused face' sa 69th Miss Universe
Photo: Olivia Culpo (@oliviaculpo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Olivia Culpo, nagpaliwanag tungkol sa kanyang viral 'confused face' sa 69th Miss Universe
Photo: Olivia Culpo (@oliviaculpo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Olivia Culpo ang co-host ni Mario Lopez sa ginanap na 69th Miss Universe sa Florida, USA. Si Olivia ay produkto rin ng nasabing prestihiyosong beauty pageant bilang siya ang itinanghal na Miss Universe 2012 kung saan naging first runner-up naman ang pambatao ng Pilipinas na si Janine Tugonon.

Agad na nag-viral ang mga memes tungkol kay Olivia sa pag-uumpisa pa lamang ng Miss Universe noong Mayo 17 dahil sa pansin ng fans na tila nakulangan umano ito ng energy sa para sa malaking event.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel