Rabiya Mateo, kinaaliwan sa kanyang caption na "Lotlot and friends"

Rabiya Mateo, kinaaliwan sa kanyang caption na "Lotlot and friends"

- Hindi kinakitaan ng kalungkutan si Rabiya Mateo sa kabila ng pagkabigo niyang maiuwi ang panglimang korona sa Miss Universe para sa bansa

- Bagkus, pinasalamatan nito ang lahat ng sumuporta sa kanya at maging ang mga tumulong sa kanya sa kanyang Miss Universe journey

- Kinaaliwan siya sa kanyang caption na "Lotlot and friends" kung saan binahagi niya ang ltrato niya kasama ang mga taong nakasama niya na tinawag niyang #teamphilipines

- Ang "Lotlot and friends" ay terminolohiyang mula sa gay lingo na nagangahulugang mga natalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng mga negatibong komento ng ilang netizens at bashers niRabiya Mateo, nanatiling positibo ang pinakita ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2020.

Bukod sa pasasalamat sa mga sumuporta, sinabi ni Rabiya na alam niya sa puso niya na ginawa niya ang kanyang makakaya para masungkit ang ikalimang korona para sa Pilipinas.

Read also

Isang fan ni Rabiya Mateo, viral dahil sa kanyang reaksiyon sa resulta ng pageant

Rabiya Mateo, kinaaliwan sa kanyang caption na "Lotlot and friends"
Rabiya Mateo (@rabiyamateo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang binahaging post sa Instagram kung saan kasama niya ang team na umasikaso sa kanyang mga pangangailangan habang nasa kompetisyon siya, kinaaliwan ang kanyang caption na nagsasabing "Lotlot and friend."

Ang ibig sabihin nito sa gay lingo ay mga natalo. Marami ang natuwa sa Pinay beauty queen dahil nagagawa nitong banggitin ang tungkol sa kanyang pagkatalo.

Lotlot and friends ✌️ Never a dull moment with these people. #teamphilippines

Marami naman sa mga fans niya ang nagsabing para sa kanila ay panalo si Rabiya at proud sila sa kanilang Miss Universe.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa Iloilo City sa kauna-unahang Miss Universe Philippines na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

Read also

Marco Gumabao, nilinaw na suportado nila ng kapatid si Rabiya Mateo

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay hindi napigilang maging emosyonal si Rabiya habang humihingi ng dispensa matapos madismaya ng ilang Pinoy pageant fans kaugnay sa kanyang national costume.

Gayunpaman, matapos lumabas ang kwento sa likod ng kanyang sinuot na costume na nagtitimbang ng 21 kilos, hinangaan si Rabiya ng karamihan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel