Rabiya Mateo, natatanging Miss Universe 2020 candidate na mayroong 1M followers

Rabiya Mateo, natatanging Miss Universe 2020 candidate na mayroong 1M followers

- Kahit noong nagsimula pa lamang ang ilang mga activities para sa Miss Universe 2020, si Rabiya Mateo na ang tinaguriang "Most followed MU candidate"

- Ito ay base sa bilang ng mga followers sa social media lalong lalo na sa Instagram

- Masayang binahagi ni Rabiya na umabot na sa isang milyon ang kanyang followers sa Instagram

- Hindi nito kinaligtaang pasalamatan ang lahat ng nag-follow sa kanya at nagpakita ng kanilang pagsuporta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bilang isang bansang mainit ang pagtanggap sa beauty pageant, hindi nakakapagtakang ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo ang may pinakamaraming followers sa social media.

Rabiya Mateo, natatanging Miss Universe 2020 candidate na mayroong 1M followers
Rabiya Mateo (@rabiyamateo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang Instagram post, masayang ibinahagi ni Rabiya na umabot na sa isang milyon ang kanyang followers at nagpasalamat siya sa lahat ng nagpakita ng suporta sa kanya.

Read also

Rabiya Mateo, hinangaan dahil sa kwento sa likod ng kanyang national costume

Ito ay isang araw matapos maganap ang kontrobersiyal niyang performance sa national costume competion kung saan mayroong ibang naghayag ng kanilang pagkadismaya.

Kaya naman minabuti ni Rabiya na magpaliwanag kung bakit ganoon ang kinalabasan ng kanyang performance. Gayunpaman, ginawa niya umano ang lahat ng kanyang makakaya para sa nasabing segment.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa Iloilo City sa kauna-unahang Miss Universe Philippines na ginanap noong October 24, 2020.

Matapos niyang masungkit ang korona, naging kotrobersiyal ang naging reaksiyon ni Miss Taguig Sandra Lemonon at Miss Quezon City na si Michelle Gumabao.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nakatakdang maganap ang Miss Universe 2020 coronation night sa darating na May 16, 2021 sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, United States. Ang ika-69 na edition ng Miss Universe ay naantala dahil sa pandemya. Nakatakdang ipasa ni Zozibini Tunzi ng South Africa ang korona sa tatanghaling Miss Universe 2020.

Read also

Miss Universe Myanmar, problemado matapos mawala ang kanyang bagahe

Kamakailan ay nagpakitang-gilas si Rabiya it ibinida ang kanyang "Hala-bira walk." Ang "Hala Bira Walk" ay mula sa kilalang festival na Dinagyang na dinadaos sa Iloilo City kung saan nagmula si Rabiya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel