Rabiya Mateo, hinangaan dahil sa kwento sa likod ng kanyang national costume

Rabiya Mateo, hinangaan dahil sa kwento sa likod ng kanyang national costume

- Ibinahagi ng professional organizer na si Issa Guico Reyes ang kwento sa likod ng national costume ni Rabiya Mateo

- Binahagi niyang dalawang tao ang kinailangang magbuhat ng pakpak na sinuot ni Rabiya noong inihatid ito sa kanya

- Sa kabila ng mga sentimiyento ng ilang Pinoy pageant fans, puring-puri ng managing director ng Neat Obsessions ang pambato ng Pinas

- Sa kabila umano ng bigat ng kanyang suot ay maayos na nairampa ni Rabiya ang kanyang national costume

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi maiwasang magbahagi ng kanilang pagkadismaya at sintemiyento ang ilang Pinoy pageant fans kaugnay sa national costume ni Rabiya Mateo sa Miss Universe 2020. Gayunpaman, puring-puri ng managing director ng Neat Obsessions ang pambato ng Pinas.

Rabiya Mateo, hinangaan dahil sa kwento sa likod ng kanyang national costume
Rabiya Mateo (@rabiyamateo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Kakai Bautista, nag-post ng bagong selfie na may #goodkarma

Sa binahaging Instagram stories ng Neat Onsessions, pinakita nito kung gaano kabigat ang nasabing costume at kinailangan pang dalawang lalaki ang mag-deliver sa kanya nito.

Aniya, sa kabila ng bigat nito ay nadala ng maayos ni Rabiya ang obra maestra ng pumanaw na world renowned designer na si Rocky Gathercole.

Rabiya Mateo, hinangaan dahil sa kwento sa likod ng kanyang national costume
Screenshot from @neatobsessions Instagram stories
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa Iloilo City sa kauna-unahang Miss Universe Philippines na ginanap noong October 24, 2020.

Matapos niyang masungkit ang korona, naging kotrobersiyal ang naging reaksiyon ni Miss Taguig Sandra Lemonon at Miss Quezon City na si Michelle Gumabao.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nakatakdang maganap ang Miss Universe 2020 sa darating na May 16, 2021 sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, United States. Ang ika-69 na edition ng Miss Universe ay naantala dahil sa pandemya. Nakatakdang ipasa ni Zozibini Tunzi ng South Africa ang korona sa tatanghaling Miss Universe 2020.

Read also

Miss Universe Myanmar, problemado matapos mawala ang kanyang bagahe

Kamakailan ay nagpakitang-gilas si Rabiya it ibinida ang kanyang "Hala-bira walk." Ang "Hala Bira Walk" ay mula sa kilalang festival na Dinagyang na dinadaos sa Iloilo City kung saan nagmula si Rabiya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: