Marco Gumabao, nilinaw na suportado nila ng kapatid si Rabiya Mateo

Marco Gumabao, nilinaw na suportado nila ng kapatid si Rabiya Mateo

- Sa kanyang vlog kung saan tinalakay ni Marco Gumabao ang tungkol sa pinagdaanang pambabatikos mula sa netizens, nabanggit niya din si Rabiya Mateo

- Ito ay kaugnay sa pagiging emosyonal ni Rabiya matapos ang mga negatibong komento ng mga netizens kaugnay sa kanyang national costume

- Ayon kay Marco, sana ay ilagay ng mga bashers ang kanilang sarili sa lugar ni Rabiya na dumaranas ng matinding pressure sa kasalukuyan

- Nilinaw din niyang sinusuportahan nila ng kanyang kapatid na si Michelle Gumabao si Rabiya taliwas sa mga epikulasyong hindi nila matanggap ang pagkatalo ni Michelle

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kabilang sa nabanggit ni Marco Gumabao sa kanyang bagong vlog ay ang dinaranas na pangba-bash ni Rabiya Mateo na naging dahilan ng emosyonal na paghingi nito ng dispensa matapos ang Miss Universe national costume segment.

4th article Entertainment News Entertainment News Entertainment News Entertainment News
Marco Gumabao (@gumabaomarco)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Marco, sana ay ilagay ng mga tao ang kanilang sarili sa lugar ni Rabiya na kasalukuyang dumaranas ng matinding pressure.

Nabanggit din niya ang tungkol sa binabatong isyu sa kanila ng kapatid niyang si Michelle Gumabao na umano ay hindi sila marunong tumanggap ng pagkatalo.

Aniya, suportado nila si Rabiya taliwas sa sinasabi ng kanilang mga bashers.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang resulta ng Miss Universe Philippines matapos ang umano'y pag-walkout ni Michelle nang i-anunsiyo ang nanalo sa nasabing pageant.

Sinundan pa ito ng mga litrato kung saan wala si Michelle kaya inakusahan siyang hindi nito matanggap na hindi siya nanalo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Marco Gumabao ay nakilala bilang isang aktor, modelo at negosyante. Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay She's Dating the Gangster (2014) at Just the Way You Are (2015).

Naging bahagi din siya ng mga teleseryeng Forevermore (2014–15), Pusong Ligaw (2017–18), at Ang Probinsyano (2017).

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matapos nga ibahagi ni Donnalyn ang kanyang kontrobersyal na vlog, binura niya ito ngunit ibinalik niya rin at agad na nag-trending sa YouTube.

Hindi naman napigilang mag-komento ni Marco sa nasabing vlog.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel