Miss Universe co-host Olivia Culpo, trending sa Twitter dahil sa kanyang "mood"
- Mabilis na nag-trending ang mga tweets tungkol kay Olivia Culpo bilang co-host ni Mario Lopez sa 69th Miss Universe
- Sa umpisa pa lang kasi ng coronation night ay tila raw "walang energy" ang Miss Universe 2012 title holder
- Dahil dito, mabilis na nakagawa ng mga memes ang netizens patungkol sa "mood" ng beauty queen
- Hindi rin nakawala sa kanilang atensyon ang reaksyon ni Olivia bago nito i-announce ang pinakabagong Miss Universe
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Mabilis na nag-viral ngayon ang mga post tungkol sa co-host ni Mario Lopez sa 69th Miss Universe pageant na si olivia Culpo.
Si Olivia ay kinoronahan bilang Miss Universe 2012 at napili para mag-host ng katatapos lamang na prestihiyosong pageant.
Subalit, sa umpisa pa lamang ng coronation night, maraming netizens na ang nakapuna na tila kulang sa energy si Olivia dahilan upang madali siyang magawan ng mga internet memes.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Katunayan, sa Twitter, trending din ang kanyang "mood" na kinagiliwan ng mga netizens.
Narito ang ilan sa mga naturang tweets:
Maging ang isa sa mga kilalang content creator at comedian na si Macoy Dubs ay 'di napigilang mapa-react sa pag-host ni Culpo.
Samantala, hindi rin nakawala sa mata ng mga netizens ang reaksyon ni Culpo bago niya i-anunsyo ang nanalong pinakabagong Miss Universe.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, si Andrea Meza ng Mexico ang itinanghal na nanalo sa katatapos lamang na Miss Universe na ginanap sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino in Hollywood, Florida ngayong Mayo 17.
First runner-up naman ang pambato ng Brazil na si Julia Gama, second runner-up si Miss Peru, Janick Maceta, third runner-up si Adline Castelino ng India, at fourth runner-up ang kinatawan ng Dominican Republic na si Kimberly Perez.
Pumasok pa rin sa top 21 ang Pinoy pride na si Rabiya Mateo na labis na sinuportahan hindi lamang ng kanyang mga kababayan kundi maging ng ibang mga nasyunalidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh