Online seller, aksidenteng naipadala ang larawan ni Cardo Dalisay sa customer

Online seller, aksidenteng naipadala ang larawan ni Cardo Dalisay sa customer

- Viral ngayon sa social media ang post ng isang online shop na aksidenteng naisend ang larawan ni Coco Martin

- Batay sa post ay nagtatanong tungkol sa kanilang item ang isang customer gamit ang Facebook messenger

- Ngunit sa halip na larawan ng kanyang ibinebenta ay larawan ni Cardo Dalisay ng "FPJ's Ang probinsiyano" ang kanyang naipadala

- Nagulat naman daw ang kanyang customer sa pagkakamali nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naloko na! Viral ngayon sa social media ang Facebook post ng Online shop na Buckeys.

Aksidente kasi nitong naisend ang larawan ng Kapamilya actor na si Coco Martin sa kanyang customer.

Batay sa nasabing FB post, nagtatanong ang customer tungkol sa isang item nito at humingi ng sample na larawan.

Online seller, aksidenteng naipadala ang larawan ni Cardo Dalisay sa customer
Photo: Coco Martin as Cardo Dalisay in FPJ's Ang Probinsiyano (screen grab from Ang Probinsiyano)
Source: UGC

Ngunit sa halip na larawan ng ibinebenta ay ang larawan ni Martin bilang si Cardo Dalisay sa FPJ's Ang Probinsiyano na ginagampanan ng aktor ang naipadala nito.

Read also

Rabiya Mateo, game na game sa paghataw kasama si Miss Canada sa isang video

"Shout out sa mga partner nyong mahilig mag save ng mga ganitong pictures Delete2 rin kasi minsan," ayon sa caption ng post.

Nagulat naman daw ang customer sa pagkakamaling iyon ng seller.

"Ma'am!!! Sorry!!! Sorry po talaga!! Katabi kasi sya sa sample," ayon sa chat ng seller.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Hahaha gulat naman ako kay Dalisay," sagot naman ng customer.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Baka naman buckeys... penge naman diyan ng Ang Probinsyano artisan set."

"Pamela mag delete kana ng memes mo ikaw naaalala ko dito."

"Eunice Pangilinan sana wag naman tayo umabot sa ganito."

"baka mangyari to kay Fressia mahilig pa naman sya magsave ng pic ni cardo."

"Yung seller ka tapos inatake ka ng kagaguhan."

"Can't stop laughing."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

BF ni Rabiya Mateo, napatigil mag-review nang mapanood ang GF sa Ms. U preliminaries

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa iba pang report ng KAMI, isang bata naman ang kinaaliwan ng netizens matapos nitong mag-ala-online seller at ibinenta online ang underwear ng kanyang tatay!

Maging si Idol Raffy Tulfo, naaliw din sa bibong natang ito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel