Ang bibo! Batang nag-live selling at ibinenta ang undearwear ng tatay, viral

Ang bibo! Batang nag-live selling at ibinenta ang undearwear ng tatay, viral

- Viral na ngayon sa social media ang nakakatuwang video ng isang batang babae na ibinenta online ang underwear ng kanyang tatay

- Ang cute na batang ito, nag-ala-online seller pa at ginaya ang mga ginagawa sa isang Facebook Live selling

- Kumpleto with props pa ito at ang napili nga nitong ibenta ay ang underwear ng ama nito na walang kamalay-malay

- Labis na ikinaaliw ito ng mga netizens at mabilis na kumalat ang video sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bentang-benta ngayon sa social media ang nakakatuwa at nakakatawang video ng isang batang babae na nag-ala-online seller at sumabak sa kuno sa "Facebook Live selling".

At ang napili nitong ibenta ay ang underwear ng kanyang tatay na walang kamalay-malay nang mga oras na iyon.

Bibong-bibo ang batang si Athena Cantos sa kanyang live selling na kuhang-kuha ang mga sinasabi ng ibang online seller kapag sila ay nag-la-live selling sa Facebook.

Ayon sa bata, ibinebenta niya ang underwear ng kanyang tatay sa halagang P100 at para raw ito sa kanyang field trip.

Kaya naman hindi kataka-takang pumatok ang video ni Athena sa social media na ngayon ay mayroon nang mahigit 1 million views at mabilis ding kumakalat.

Mayroon na itong 67K reactions at 42K shares sa FB.

Aliw na aliw naman ang mga netizens sa ginawa ng bata at nakisakay din sa gimik nito dahil marami ang nag-"mine" sa "produkto" na ibinebenta nito.

"Lagot ka sa papa mo. Baka hanapin nya yan.!!"
"You're so funny Baby. And Thank God di nawawala ang Po mo. God bless your parents."
"Sa mahilig ng online buying jan baka gusto neo."
"isa nlng ung item may konting butas lng nman, bilhin ko na kaya ? Haahahahhha."
"saan po meet up madam?"
"maliit lang ung butas eh, dapat medyo lakihan para bilhin ko."
"Mine. Pm sent po."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel