BF ni Rabiya Mateo, napatigil mag-review nang mapanood ang GF sa Ms. U preliminaries

BF ni Rabiya Mateo, napatigil mag-review nang mapanood ang GF sa Ms. U preliminaries

- Todo suporta ang boyfriend ni Rabiya Mateo na nagbahagi ng kanyang IG story habang nanonood ng Miss Universe preliminaries

- Napatigil daw itong mag-review at natulala sa nobya habang rumarampa ito sa kompetisyon

- Noon pa man ay super proud na ito sa girlfriend lalo na ngayong pambato na ito ng Pilipinas sa prestihiyosong pageant sa mundo

- Anim na taon na ang kanilang relasyon at si rabiya na mismo ang naniguradong walang mababago sa kanila anuman ang kahinatnan niya sa Miss Universe

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang proud boyfriend si Neil Salvacion na ibinahagi ang kanyang reaksyon nang mapanood ang kanyang nobya sa Miss Universe Preliminaries.

Nalaman ng KAMI na sa Instagram story ni Neil, naikwento niyang napatigil talaga siya sa pagre-review at napatulala kay Rabiya habang rumrampa ito sa kompetisyon.

BF ni Rabiya Mateo, napatigil mag-review nang mapanood ang GF sa Ms. U preliminaries
Photo: Rabiya Mateo at Neil Salvacion(@neilow)
Source: Instagram

"Review: paused, jaw: dropped, heart: pounding eyes: (crying emoji)" ang caption ni Neil sa screenshot ng pagrampa ng kanyang Rabiya.

Read also

Rabiya Mateo, hinangaan dahil sa kwento sa likod ng kanyang national costume

Sa swimsuit competition naman "Yoooowwww!" na lang ang nasabi ni Neil na may 'heart' at 'fire' emojis sa kanyang girlfriend.

Sa Miss Universe Philippines pageant pa lamang ay todo suporta na si Neil kay Rabiya.

Anim na taon na ang kanilang relasyon at mismong si Rabiya ang nanigurado na wala umanong magbabago sa kanila saanman siya dalhin ng kapalaran matapos ang Miss Universe pageant.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

BF ni Rabiya Mateo, napatigil mag-review nang mapanood ang GF sa Ms. U preliminaries
Photo from (@neilow)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rabiya Mateo ay isang beauty queen mula sa Iloilo City. Siya ang kauna-unahang nakoronahan bilang Miss Universe Philippines noong 2020.

Si Rabiya ang kasalukuyang pambato ng Pilipinas sa ginaganap na Miss Universe pageant sa Florida, USA.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Viral post ng isang happy GF, "nagpa-sana all" sa maraming netizens

Kamakailan lamang ay naglabas ng saloobin si Rabiya patungkol sa ilang kaganapan bago ang national costume presentation sa nasabing pageant.

Hindi niya naiwasang maiyak lalo na at may ilang naging problema sa kanyang kasuotan na nahantong pa sa pagkakaroon niya ng disgrasya. Gayunpaman, walang anumang bakas nito dahil nabigyan niya ng hustisya ang pagrampa sa kanyang "NATCOM" at nagmistulan pa umano siyang isang "Victoria's Secret" model.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel