Raffy Tulfo, naaliw sa nagviral na batang nagbenta ng undies ng tatay online

Raffy Tulfo, naaliw sa nagviral na batang nagbenta ng undies ng tatay online

-Labis na naaliw ang batikang mamamahayag na si Raffy Tulfo sa batang si Athena Cantos na binisita pa siya sa tanggapan ng TV5

-Si Athena ang batang babae na nagviral matapos itong mag-ala-live seller at ibinenta ang underwear ng kanyang tatay

-Ayon kay Athena, ibinenta niya ang lumang brief ng ama para makalikom ng pambayad sa kanilang school field trip

-Hindi naman pinalagpas ni idol Raffy ang pagkakataon para makita ang nakakaaliw na pagbebenta ng bagets

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na natuwa ang batikang mamamahayag na si Raffy Tulfo sa batang nagviral dahil sa pagbebenta ng underwear ng kanyang tatay online!

Una nang naiulat ng KAMI nang pumatok sa mga netizens ang kwelang video ni Athena Cantos na nag-ala-live seller.

Bentang-benta sa mga netizens ang panggagaya nito sa mga online seller sa Facebook.

Kaya naman hindi na kataka-taka na nakuha nito ang atensyon ng marami.

At kamakailan nga lang ay bumisita pa ito sa tanggapan ng TV5 kung saan nakaharap niya si idol Raffy.

Kita naman ang pagkaaliw ni idol sa pagkabibo ni Athena! At humingi pa nga ng sample ang sikat na broadcast journalist.

Ayon kay Athena, naisipan lang niyang ibenta ang brief ng ama upang makalikom ng pambayad sa kanilang school field trip.

Kwento naman ng nanay nito, itatapon na raw talaga nila ang nasabing underwear dahil luma at butas na nga ito.

Pero laking gulat nila nang makitang viral na ang video ng anak at mayroon pa ngang nag-mine rito!

At ang underwear, dala pa no Athena sa TV5 at inalok din kay idol!

Tuwang-tuwa naman si idol sa bata kaya tinapatan na lamang niya ng tulong ang pagpupursige ni Athena na kumita ng pera.

Sinagot na ni idol Raffy ang bayad nito sa field trip kasama pa ang nanay nito at kapatid.

Pati ang baon nito ay sinagot na rin ni idol Raffy.

Pinuri rin nito si Athena dahim sa kanyang ipinakitang tyaga para kumita ng pera at makatulong sa magulang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel