Delivery rider, naiyak at napayakap ng mahigpit sa nagsauli ng kanyang wallet

Delivery rider, naiyak at napayakap ng mahigpit sa nagsauli ng kanyang wallet

- Talagang naiyak ang isang delivery rider nang maisauli sa kanya ang nahulog niyang wallet

- Napulot ito ng lalaki kung saan mayroong na-pick-up ang delivery rider

- Nagbakasakali lamang ang rider na balikan ang lugar kung saan nga nahulog ang kanyang wallet

- Sa sobrang saya, naging emosyonal ang rider na hindi na inaasahan ang pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napaiyak at napayakap pa ang delivery rider na si Anacleto Flores Lihayhay sa nakapulot at nakapagsauli sa kanya ng kanyang wallet.

Nalaman ng KAMI na nag-pick-up si Lihayhay sa lugar kung saan taga-roon ang nakapulot ng wallet niya na si Hannibal Damasco.

Sa video, makikitang nahulog nga mula sa bulsa ni Lihayhay ang pitaka.

Delivery rider, naiyak at napayakap ng mahigpit sa nagsauli ng kanyang wallet
Delivery rider (Photo from Christy Aquino Eusebio)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Basel Manadil, namigay ng 'money bouquet' sa mga nanay sa kalsada ngayong Mother's Day

Nakita rin sa video ang pagpulot dito ni Damasco. Nasa 20 na minuto pa ang nakalipas nang bumalik si Lihayhay sa pagbabakasakaling may nakakita nga ng kanyang pitaka.

Nagkataong si Damasco ang kanyang napagtanungan at nagbiro pa raw ito na wala.

Ngunit nang isauli na niya ang pitaka, doon na naging emosyonal si Lihayhay.

Tila nakalimutan din nitong mayroon pang COVID-19 at talagang napayakap kay Damasco sa pasasalamat.

Sa panayam ng GMA News kay Lihayhay, ganoon na lamang ang kanyang pasasalamat sa nakakuha ng kanyang pitaka dahil bukod sa mga mahahalagang ID ay naroon din ang Php3,000 na kanya pang inutang pang-abono sa kanyang mga deliveries.

"Uulit-ulitin ko 'yung yakapin ko siya sa pasalamat ko. Gagawin at gagawin ko pa rin 'yun, napakabait niyang tao"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang nagsasabing isa sa maituturing na frontliners sa laban nating ito sa COVID-19 ang mga food delivery riders.

Read also

5-anyos na gusto nang bumalik sa school at makasama ang "totoong teacher", viral

Sila ang halos buwis-buhay na kumukuha at nagdadala sa atin ng ating mga pagkain habang ang marami sa atin ay nakapirmi lamang sa kanilang tahanan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nakalulungkot lamang isipin na sa kabila ng kanilang marangal na hanapbuhay ay may mga tao namang nagagawa silang lokohin.

Mabuti na lamang at mayroon pa rin namang mga mabubuting tao na marunong magbigay tulong at malasakit sa mga kababayan nating sa kabila ng pagsusumikap ay nagagawan pa rin ng hindi maganda.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica