Basel Manadil, namigay ng 'money bouquet' sa mga nanay sa kalsada ngayong Mother's Day

Basel Manadil, namigay ng 'money bouquet' sa mga nanay sa kalsada ngayong Mother's Day

- Namigay ng mga money bouquet si Basel Manadil sa mga nakakasalubong niyang nanay sa kalsada

- Binigyang prayoridad niyang bigyan ang mga masisipag na ina na naghahanapbuhay kahit sa kanilang espesyal na araw

- Mababakas ang kasiyahan sa mga nabibigyan ni Basel lalo na iyong mga nanay na hindi inaasahang nakatatanggap ng biyaya

- Maging ang isang tricycle driver na kanya lamang nakasalubong ay binigyan niya ng money bouquet para maibigay sa misis nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang nakapagbigay saya ang vlogger na si Basel Manadil o mas kilala blang si "The Hungry Syrian Wanderer" nang maisipan niyang mamahagi ng "flower with money bouquet" sa random mommies na nadaanan nila.

Nalaman ng KAMI na maging ang may-ari ng flower shop na pinagbilhan ni Basel ay binigyan din niya ng surpresa.

Read also

Vlogger, nagpanggap na pulubi na nais makausap ang nanay niya ngayong Mother's Day

Sa kanilang pag-iikot, marami siyang napasayang mga nanay lalo na iyong mga naghahanapbuhay pa rin kahit sa mismong 'Araw ng mga ina.'

Vlogger na si Basel Manadil, namigay ng 'money bouquet' sa mga nanay sa kalsada ngayong Mother's Day
Photo: Basel Manadil (The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nagugulat ang mga nabibigyan niya nang makita ang mga pera na nakalakip sa mga bulaklak na ibinibigay ni Basel.

Maging ang tricycle driver na kanyang nadaanan ay nabigyan niya para may maipasalubong ito sa kanyang misis.

Pati ang isa sa kanyang avid fan ay kanyang personal na binisita at sinurpresa.

Gayundin ang kanyang dalawang staff na pawang mga ina na ay binigyan din niya ng espesyal na mga regalo ngayong Mother's Day.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Read also

Video ng paglalambing ng anak sa kanyang ina, nagpaluha sa maraming netizens

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, namahagi ng tulong si Basel sa mga jeepney drivers at bus drivers na alam niyang labis na naapektuhan ang hanapbuhay ngayong pandemya.

Gayundin ang mga delivery riders na madalas na mabiktima ng fake bookings kaya nagbigay surpresa si Basel sa ilan sa kanila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel