Ginang na walang tirahan, tinulungan ang isang LSI na nanganak sa kalsada
- Hinangaan ang isang ginang na walang tirahan na tumulong sa 'locally stranded individual' na napaanak na sa kalsada
- Nakita niyang hirap na ang nanganganak lalo na at nasa kalsada pa ito kaya ;di na siya nagdalawang-isip na tulungan ito
- Agad niya itong tinulungan hanggang sa maayos nitong maiuluwal ang sanggol
- Mabuti na lamang ay may kaalaman ang ginang sa pagpapaanak dahil sa kanyang ina na dating kumadrona
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kahanga-hanga ang pagtulong ng ginang na nagpakilalang "Apple" na bagaman at nasa kalsada lamang at walang tirahan ay nagawa pa rin na tumulong sa isang 'locally stranded invidual' na inabot na ng panganganak sa kalye.
Nalaman ng KAMI na mula Iligan City ang LSI na hindi makauwo at nanatili na lamang sa lansangan ng Pasay City.
Ayon sa panayam ni Jonathan Andal ng GMA News kay Apple, delikado na ang lagay ng sanggol nang kanyang makita sa kalsada.
Pagod na rin ang ina nito kak-ire kaya tila naipit na ang leeg ng kanyang sanggol.
Bilang may karanasan na rin sa panganganak at kumadrona pa ang kanyang ina, tuluyan nang inalalayan ni Apple ang ginang.
Itinulak na niya hanggang sa tuluyang makalabas ang sanggol kaya naman naging matagumpay ang panganganak nito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Subalit dahil sa kakulangan ng mga kagamitan bilang nasa kalsada lamang sila, nangitim na ang sanggol nang madatnan ng nurse mula sa Pasay CDRRMO. Tinapik na lamang niya ang paa nito upang mapaiyak at malamang rumeresponde ang baby.
Agad na nadala sa ospital ang mag-ina at nasa maayos na kalagayan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Noong nakaraang taon, matatandaang kinilala ang nurse na si Lorraine Pingol na hindi nagdalawang isip na tumulong sa isa ring ginang na inabot na ng panganganak.
Bagaman at late na sa trabaho si Lorraine at hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ang ina na sa bangketa na lamang nanganak. Kinilala ang kabayanihan na ito ni Lorraine lalo na at isa rin siyang frontliner.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh