Netizen, may mabigat na babala ukol sa modus ng taxi driver sa airport
- Ikinuwento ng isang netizen ang kanyang naging hindi magandang karanasan sa taxi nang sumakay ito mula sa airport
- Ayon sa pasahero, na-modus siya ng taxi driver sa paniningil nito ng bayad
- Tinapon pa umano ng taxi driver ang bag ng pasahero
- Gigil na gigil naman ang mga netizens sa ginawa ng driver sa pasahero
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ibinahagi ng isang netizen ang kanyang karanasan nang sumakay siya ng taxi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 2.
Nalaman ng KAMI na ang byahe ng pasahero ay papuntang Malabon.
Ayon sa Facebook post ni Aiza Calatin Magnayon, nagsabi ang driver na sisimulan na niya sa zero ang metro. Subalit, nagtaka naman ang pasahero na wala naman umanong metro ang taxi nito.
“Nag taka ko kung bket wlang metro dahil sa sobrang pagod ko hndi ko na inintindi pro sbi ko prang may mali,” sabi nito.
Paliwanag ng pasahero, ang “zero” na sinasabi ng driver ay P100 kada isang kilometro.
“Nasa CCP pa lng ako nsa 84 na, tinanong ko sya kuya nsa mgkno na po yan?, sbi nya mam 8.4 na po yan bali 800 na,” sabi ng netizen.
“WOW sbi ko sobrang mahal nman wla pa ko sa 1/4 ng byahe 800 na agad, e 400 lng nsa NAVOTAS na ko,” dagdag pa nito.
Sabi ng pasahero, pinapababa na lang siya ng taxi driver at sumakay na lang daw siya sa ibang taxi.
“Sbi nya kung gsto nyo bumaba na lng kau at sumakay ng ibang taxi, sbi ko cge, ung gamit ko pki baba na lng dhil nsa compartment, nttakot ako bka bgla nyang itakbo ung gamit ko,” giit ng pasahero.
Nag-usap sila na magkaliwaan na lang sa pagbigay ng bag niya at ng bayad.
“Nag bigay ako ng 1k sbi ko akin na yung 500 sabay tapon ng bag ko,” sabi ng netizen.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Gigil din ang mga netizens sa ginawa ng taxi driver sa pasahero. Narito ang kanilang komento sa Facebook post:
“Modus talaga taxi kapag galing naia.. mga taga”
“Abusadong taxi driver”
“Dming ganyang driver. mga abusado”
“Mga abusadong driver..”
“Eh mukang nd gagawa ng maganda e”
“abosadong driver dapat jan tinatanggalan ng lesensya”
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Did the father of Nadine Lustre target Kathryn with his recent Facebook post? HumanMeter host Christine helps us to find out the truth — on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh