Nurse na nagpaanak sa 1 palaboy, nakipaglaban pala sa malubhang sakit
- Matapos mag-viral ang nurse na si Lorrainne Pingol dahil sa kanyang kabutihang loob, nabuksan naman ang isang kwento ng kanyang buhay
- Napag-alaman na na-diagnose pala ito na may malubhang sakit na leukemia noong 2013
- Dahil sa kanyang lagay, kinailangan niyang bitiwan ang trabaho sa isang ospital
- Ayon kay nurse Lorraine ito ay isang malaking dahilan kung bakit siya bukas-palad na tumulong sa mga nangangailangan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Matapos mag-viral ang ginawang kabutihan ni nurse Lorraine Pingol, isa namang bahagi ng kanyang buhay ang nabuksan sa publiko, na isa raw sa dahilan kung bakit likas sa kanya ang pagiging matulungin.
Ayon sa panayam dito ng 24 Oras, na-diagnose pala ito ng leukemia noong 2013.
Dahil sa kanyang lagay, kinailangan niyang bitiwan ang trabaho sa ospital at ngayon ay nurse sa isang health insurance company.
Kwento pa ni nurse Lorraine, sa mga panahong nakikipaglaban siya sa malubhang sakit ay marami rin ang tumulong sa kanya.
"Nung time na na-diagnose ako, maraming tumulong sa akin," anito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Kaya that's one reason na rin kung bakit bukas-palad din akong tumutulong pagka may nangangailangan as long as kaya ko," dagdag pa ng viral na nurse.
Inamin din nito na kinabahan siya nang mga oras na pinapaanak ang ginang sa kalye.
Dagdag pa nito, posibleng ikamatay ng ginang kung hindi ito naagapan.
"Puwedeng ikamatay ng mother 'yun. Kaya kailangan mailabas mo yung inunan and make sure na walang maiiwan sa loob," ani nurse Lorraine.
Ang mga nakasaksi naman sa ginawa nito ay humanga ng husto sa dalaga. Masaya naman daw ang dalaga na marami ang pumuri sa kanyang ginawa.
"At least na-uplift ko rin 'yung morale ng mga kapwa ko nurses and other medical frontliners sa panahon ngayon na pandemic," anito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Noong August 18 nang mag-viral ang mga larawan ni nurse Lorraine habang tinutulungan ang palaboy na nanganak sa isang gilid ng kalsada.
Marami ang humanga rito at mabilis na kumalat sa iba't ibang local news site.
Napag-alaman din na late na pala noon ng isang oras ang nurse sa kanyang trabaho at tila itinadhana na siya ay mapadaan sa lugar.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh