Basel Manadil, sinorpresa ang isang mag-anak sa make over ng bahay nila
- Ipinakita ng vlogger na si Basel Manadil ang simple at munting tahanan kung saan nakatira ang dalawa sa kanyang staff
- Kasama ng magkapatid ang kanilang mga magulang na nakatira sa nasabing bahay
- Napagpasyahan ni Basel na bigyan ng make-over ang bahay nila at pinamili niya ng mga gamit ang pamilya para sa pag-aayos ng kanilang bahay
- Maging ang kanilang mga tubo ay sirang mga pintuan ay pinagawa din ng Syrian vlogger
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa kanyang panibagong vlog, pinasilip ni Basel Manadil ang munting tahanan kung saan naninirahan ang magkapatid na nagtatrabaho sa kanya.
Napansin ng vlogger na kailangan ng make-over ng kanilang bahay dahil bukod sa marami nang sira, may mga gamit din na naroroon na hindi naman umano nagagamit ng mag-anak.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Siya mismo ang bumili at pumili ng mga gamit na nais niyang ilagay sa bahay. Maging ang mga tubo para sa kanilang palikuran ay pinaayos din ni Basel.
Dahil hindi naman pag-mamay-ari ng mag-anak ang bahay, kinailangan nilang humingi ng pahintulot sa may-ari niyon na kamag-anak lang din naman nila at pumayag din ang mga ito.
Sinorpresa ni Basel ang mag-anak sa naging kinalabasan ng kanyang pag make-over ng kanilang bahay. Bakas sa mga mukha nila ang labis na saya sa kanilang bahay na para na umanong condo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay nagbahagi siya ng P10,000 sa mga vendor na tumulong sa kanya. Ibinahagi niya ito sa kanyang YouTube channel.
Marami din ang naantig sa pagtulong ni Basel sa isang pedicab driver na isa ding PWD.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh