Madam Kilay, inireklamo ng kapitbahay nila sa US: "chinismis pa kame"

Madam Kilay, inireklamo ng kapitbahay nila sa US: "chinismis pa kame"

- Hindi na naitago pa ni Madam Kilay ang kanyang disappointment sa latest vlog niya

- Inireklamo kasi ito sa mga otoridad ng kanilang kapitbahay

- Ayon sa internet star, nag-ugat ang reklamo dahil sa nakawala nilang alagang aso

- Ibinahagi rin ni Madam Kilay ang ilan sa mga kaganapan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na nga naitago ni Madam Kilay ang kanyang disappointment sa latest vlog niya.

Ayon sa internet star, inireklamo sila ng kanilang kapitbahay sa mga otoridad.

Nag-ugat ang reklamo nang makawala ang alagang aso ni Madam Kilay na si Yusuke.

Madam Kilay, inireklamo ng kapitbahay nila sa US: "chinismis pa kami"
Photo: Jinky Anderson popularly known as Madam Kilay (@madamkilay)
Source: Instagram

Kwento nito, nagawa raw makatakas ng alaga sa kanilang bakod at nakalabas.

Doon na raw nagalit ang mag-amang kapitbahay nila at sinaktan pa umano ang kanyang alaga.

Reklamo pa raw ng mga ito ay kinagat sila ng alaga ni Madam Kilay at nanira pa sa kanilang property.

Read also

Frontliner, hands-on pa rin sa kanilang online food business

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi naman ito mapaniwalaan ni Madam Kilay dahil wala naman daw maipakitang sugat ang mag-ama.

Ngunit dahil wala siyang ebidensya ay wala na itong nagawa kundi ang humingi na lang ng paumanhin sa miyembro ng Animal Control na rumesponde sa lugar, matapos ngang itawag ng kapitbahay ni Madam Kilay.

Pero ayon sa YouTuber, matagal na umanong inis sa kanya ang naturang kapitbahay at hindi iyon ang unang beses na inireklamo sila nito.

Pinanghihinayangan lang daw ni Madam Kilay na nagkataong nasira ang kanilang mga security camera dahil sa bagyong dumaan doon.

Mahalaga pa naman daw ito para malaman nila ang tunay na ginawa ng alaga.

Samantala, ipinakita naman nito ang lugar kung saan nananatili ang kanilang alaga. At sinigurong nasa maayos itong lagay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jennica Garcia, kinaaliwan sa kanyang ibinahaging TikTok video

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Jinky Anderson o mas kilala bilang si Madam Kilay ay isang YouTube celebrity sensation. Nakilala ito sa paggawa ng mga nakakatawang meme sa social media.

Sa isa pang report ng KAMI, viral din ang video ni Madam Kilay kung saan naibagsak nito ang isang camera na nagkakahalaga ng P100,000!

Usap-usapan din nang mahuli nito ang boyfriend na nila-like ang mga larawan ni Ivan Alawi.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel