Madam Kilay, nahuli ang boyfriend na nag-like sa mga pictures ni Ivana Alawi

Madam Kilay, nahuli ang boyfriend na nag-like sa mga pictures ni Ivana Alawi

- Palihim na nag-install si Madam Kilay ng isang mobile app sa cellphone ng kasintahang si Michael

- Ito ay upang makita niya ang ginagawa ng kasintahan sa kanyang cellphone kapag alam niyang hindi siya nakatingin

- Kinagulantang ni Madam Kilay ang pag-like ni Michael sa mga litrato ni Ivana Alawi

- Agad namang kinompronta ng social media celebrity at marami ang naaliw sa rekasiyon ni Madam Kilay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pasikretong nilagyan ni Madam Kilay ng mobile app ang cellphone ng kanyang boyfriend na si Michael. Ito ay upang makita niya ang ginagawa nito sa kanyang cellphone kahit hindi sila magkasama.

Gamit ang kanilang TV, nakita ni Madam Kilay ang mga pinapanood ni Michael sa kanyang social media account.

Ikinagulat niya nang i-search ni Michael si Ivana Alawi. Tiningnan niya ang susunod na gagawin ng kanyang boyfriend.

Nag-iwan ito ng mga reaction sa mga picture ng Kapamilya star na ngayon ay namamayagpag na rin sa pagiging YouTube content creator.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lalo siyang nagulat nang buksan nito ang Instagram at nag browse sa mga litrato ni Ivana.

Agad sinugd ni Madam Kilay si Michael at kinompronta. Hindi na ito nakapagdahilan nang makita niyang naroroon sa TV ang screen monitor ng kanyang cellphone.

Aniya, narinig lamang niya ang tungkol kay Ivan dahil nag-stream din daw ito kagaya niya.

Kinaaliwan ng netizens ang reaksiyon ni Madam Kilay:

Grabeee! Tawa much ako sobra sa reaction ni Madam Kilay. Kulang nalang nag Super Saiyan ka Madam Kilay!
Sorry to laugh Madam Kilay. This was so hilarious because of your face reactions. My Greek fiancé was laughing with me about your face reactions. You're so funny madam Kilay.
This is obviously scripted hehehe pero tawang tawa pa rin ako. Love you madam. Enjoy talaga panuorin mga vlogs mo hehe

Unang nakilala si Madam Kilay dahil sa kanyang nakakatuwang Facebook Video kung saan iba-iba ang hugis ng kanyang kilay kaya siya tinawag bilang Madam Kilay. Si Jinky Anderson sa totoong buhay ay minsan na ring napanood sa telebisyon nang mapasali siya sa Eat Bulaga at iba pang TV shows.

Madam Kilay, nahuli ang boyfriend na nag-like sa mga pictures ni Ivana Alawi

Photo from Madam Kilay Facebook Page
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang unang asawa.

Nakilala niya ang kanyang kasalukuyang karelasyon sa pamamagitan din ng isang challenge na kanyang ginawa para sa kanyang YouTube channel.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel