Vlogger, namahagi ng nasa Php10,000 sa mga vendor na tumulong sa kanya
- Natulungan ng vlogger ang mga mabubuting vendor na 'di nagdalawang isip na tulungan siya
- Nagpanggap kasi itong pulubi na humihingi ng mga paninda ng vendors
- Maging siya ay nagugulat sa kabutihan ng mga tindero na binibigyan naman siya
- Ngunit mas nagulat ang mga vendor nang bigyan sila ng vlogger ng tulong pinansyal na talagang hindi nila inaasahan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakita na naman ang kabutihan ng mga Pinoy na naabutan din ng tulong ng vlogger na si "Foreigngerms."
Nalaman ng KAMI na muli niyang sinubukan ang pagmamalasakit ng mga Pilipino nang maisipan niyang humingi ng mga paninda ng nadaraanang mga street vendors.
Nagtatanong siya ng maayos kung maari siyang makahingi ng pagkaing paninda ng mga ito at hindi naman siya nabigo dahil binibigyan naman siya ng kanyang nalalapitan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Matapos na matanggpap ang pagkain, inaya niya ang mga tindero na makipagbato-bato pik sa kanya.
Manalo man o matalo ang mga ito ay binibigyan niya ng tulong pinansyal na talagang hindi nila inaasahan.
Nagulat man si Foreigngerms dahil sa mga binigay sa kanya ng nilapitang mga tindero, mas nagulat ang mga ito sa kanya sa pagbibigay niya ng pera na talagang naituring nilang isang biyaya.
Narito ang kabuuan ng kanyang video na umantig sa puso ng marami:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Sam Ousta ay mula sa Syria ngunit nananatili na sa Pilipinas sa loob ng 15 taon. Isa siya sa mga content creator sa bansa na pawang pagtulong sa mga kababayan nating Pilipino ang kanyang ginagawa. Mas kilala bilang si "Foreigngerms" sa kanyang YouTube channel at mayroon na siyang 462,000 subscribers.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Tulad ni Sam, isa rin sa mga kilalang vlogger sa bansa ay si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer." Hilig din ni Basel ang tumulong sa mga Pinoy at ang pinakahuling natulungan nga niya ay ang mga jeepney at bus drivers na nabigyan niya ng "ayuda.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh