PGH Nurse, nagawang ilikas ang 35 na sanggol mula sa nasusunog na ospital
- Hinangaan ang isang nurse na nagawang mailikas ang 35 na mga pasyente niyang sanggol
- Nito lamang kasing linggo, Mayo 16 nang magkasunog sa Philippine General Hospital
- Maayos na nailikas ang mga sanggol at lahat ay nasa maayos nang kalagayan dala na rin ng pagiging alisto ng nurse at kanyang mga kasama
- Labis din silang nagpapasalamat sa mga nagpadala ng donasyon na breastmilk para sa mga sanggol
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ng nurse na si Kathrina Bianca Macababbad ng Philippine General Hospital ang kanyang naging karanasan nang masunog ang ospital nito lamang Linggo, Mayo 16.
Nag-viral ang post niya tungkol sa kung paano niya nagawang mailikas ang nasa 35 na mga sanggol na nasa kanilang pangangalaga.
Kwento ng nurse, nagpapaligo raw siya ng mga sanggol nang biglang sabihan siya ng kasamahan na nasusunog ang ospital.
Ang isa sa mga naging problema pa nila ay "ventilator dependent" pa ang ilan sa mga babies na kailangan nilang ilikas.
"Nakakaiyak na habang bitbit ko yung mga kayang huminga mag isa, maiiwan yung mga naka intubate at ventilator."
Inuna muna niyang ibaba ang mga sanggol na mas maayos ang kalagayan. Isinunod na niya at ng kasamahan niya ang mga naka-ventilator.
Nagawa rin niyang makapaghakot ng mga kagamitan na kakailanganin ng mga sanggol.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Laking pasasalamat niya sa Diyos na nagawa niya at ng kanyang mga kasama ang mga ito kahit nakailang balik sila sa 4th floor ng ospital at lahat sila ay ligtas.
"Thank you Lord for the unwavering strength and courage!!! Di ko alam kung saan nanggaling iyon pero wala akong naramdamang takot sa dibdib ko."
Nilinaw din niya na talagang siniguro nila na maayos ang mag name tags ng mga sanggol. Maging ang sticker ng pangalan ng mga ito sa kanilang higaan ay idinikit na rin nila sa mga diaper ng sanggol para sigurado.
Dahil dito, umani ng papuri ang matapang na nurse dahil sa pagiging alisto nito at kalakasang ipinakita masiguro lamang ang kaligtasan ng kanilang mga pasyente na hindi pa kayang iligtas ang kanilang sarili.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Bandang ala-una ng madaling araw noong Mayo 16 nang umabot sa ikatlong alarma ang sunog sa Philippine General Hospital (PGH) na nagsimula sa ikatlong palapag ng gusali.
Agad na nailikas ang mga pasyente sa PGH Chapel kasama ang mga sanggol na naibaba nina Nurse Kathrina.
Bandang 2:46 na ng madaling araw nang tuluyang humupa ang apoy. Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh