Magkapatid, agad na tinupad ang dream house ng kanilang mga magulang

Magkapatid, agad na tinupad ang dream house ng kanilang mga magulang

- Kahanga-hanga ang naibahaging kwento ng anak na pinagsumikapang tuparin ang dream house ng kanilang mga magulang

- Idinetalye niya ang pagsisikap ng kanyang mga magulang para sa kanilang magkapatid kaya naman ginagantihan nila ito ng mga biyaya

- Taong 2016 pa nang mabuo nila ang tahanan para sa mga magulang at unti-unti naman nilang binibilhan ito ng mga appliances

- At bagaman at nakabukod na silang magkapatid na may kanya-kanya na ring pamilya, palagi pa rin nilang binibisita ang pinakamamahal nilang mga magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Very inspiring ang ibinahaging kwento ng netizen na si Camille Sueno sa kung paano nila tinupad na magkapatid ang dream house para sa kanilang mga magulang.

Aminadong lumaki sa hirap si Camille ngunit labis naman niyang hinangaan ang pagsisikap ng kanyang mga magulang na maitaguyod sila.

Read also

Dugyot na quarantine facility na inireklamo ng OFW, ipasasara ni Raffy Tulfo

Dahil sa diskarte at abilidad ng kanilang mga magulang, nakapagtapos ang kanyang kuya ng kursong Mechanical Engineer habang siya naman ay nakatapos ng kursong Mass Communication.

Magkakapatid, tinupad ang dream house ng kanilang mga magulang
Si Camille at ang kanyang pamilya (Photo from Camille Sueno)
Source: Facebook

At dahil naging maayos ang kanilang pamumuhay ngayong may sarili na rin silang ma pamilya, tinupad pa rin nilang magkapatid ang "dream house" ng kanilang mga magulang.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Camille na naibahagi rin niya sa Home Buddies:

"Hahabol lang sa mother's day para ishare sa inyo kung gaano ako nagpapasalamat sa nanay ko (well, pareho sa parents ko) dahil sa best tandem nila sa pagtaguyod saming dalawang magkapatid at sa pinsan ko na inampon namin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Biglang lumabas sa fb memories ko yung araw na nagstart kami ng kuya ko na ipagawa yung bahay namin sa marikina noong 2016.
Hindi pa ito yung pinakaunang ichura ng bahay namin. Kaso wala kaming camera noon at di namin nakuhanan. Sa pagkakaalam ko since 1992 pa kami nakatira dito , months old palang ako. Sabi ni mama at papa sandamukal na pintas nag inabot nila sa mga kamag anak dahil dito nila piniling tumira. Isa to sa mga dulo , liblib at nakakatakot na part ng marikina dati. Sinasabi pa na tapunan daw dito ng mga minamassacre. Tinatanggihan dito dati ng mga delivery services kasi maraming magnanakaw dito. Talahiban pa to noon pero sumugal ang papa ko dahil gusto nyang matigil sa pagrerenta ng bahay at may tawaging sariling bahay at lupa kung saan nila kami itataguyod.

Read also

Patreng Non ng Maginhawa pantry, nakatatanggap na ng banta sa kanyang seguridad

Magkakapatid, tinupad ang dream house ng kanilang mga magulang
Ang kanilang tahanan noong ipinagagawa pa lamang
Source: UGC
Hindi kami mayaman. Wala sa mama at papa ko ang mayaman. Ang mama ko hindi nakatapos ng highschool at mula Leyte nagpunta sya ng Manila para magkasambahay. Naging yaya sya ng mga anak ng mayayaman.
Ang papa naman, kilalang athlete noong highschool sa Bicol sa Marathon. Sinubukan nya mag aral dito sa Manila kaso hindi pa uso ang sponsorship noon sa mga athlete. Sbi nya sakin, "paano ako magpapatuloy sa pagtakbo kung bagoong lang ang ulam ko?" Mas pinili nalang nyang magtrabaho bilang welder kesa mag aral.
Noong lumayas ang mama ko sa amo nya. Doon sya tumuloy sa marikina kung san nya nakilala ang papa ko. At yun na nga, nagpakasal at nagkaroon ng anak. Dati kung saan ang tayler na pinapasukan ni papa doon magtatayo ng tutuluyan o magrerenta ng apartment. Hanggang sa nagdesisyon na si papa na kumuha ng permanenteng tirahan. Sobrang hirap daw noon sa lugar na to ultimo cr problema. Naalala ko rin halos everyday may away.

Read also

Batang naglalako ng sampaguita kasama ang pamangkin, umantig sa puso ng netizens

Kahit na may work si papa, dumidiskarte din ang mama ko sa paglalaba, pagtatahi ng sapatos, pagyayaya (sa anak ng kapitbahay) at madami pa para makatulong kay papa. Hindi kami mayaman pero wala akong matandaan na nagutom kami. Pero madalas nakikita ko na tinitipid nila ang sarili nila para may maiprovide sa amin. Kapag may pera na extra di sila nagdadalawang isip na bilhan kami ng luho.
Magkakapatid, tinupad ang dream house ng kanilang mga magulang
Ang bagong pintura nilang tahanan na naipatayo noong 2016 para sa kanilang mga magulang
Source: UGC
Sa pagwewelding ni papa for over 40+ years at pagdiskarte ng nanay ko, pareho kaming nakatapos sa pag aaral ng kapatid ko. Mechanical engineer sya at MassCom naman ang natapos ko.
2016 pinagawa namin ng kuya ko yung bahay. Sya yung nagloan ng malaki para makaumpisa at ako naman ang nagsasalo ng majority ng bills at supplies. Unti unti nabubuo at naayos yung mga part ng bahay sa loob . Si mama nag nagbubudget at si papa naman , lahat ng bakal na part ng bahay sya ang gumawa!! Sobrang proud grabe. Sabi ng mga nakita ng bahay namin parang naligaw daw ang bahay namin dapat nasa subdivision.

Read also

Kitkat Favia, mahigit isang taon nang hindi nayayakap ang kanyang mga magulang

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kahit na may sarili na rin akong pamilya goal ko pa din na matapos fully at mapaganda pa ang bahay nila mama at papa dahil sa lahat ng sakripisyo nila samin, maliit na bagay lang to na maiiwan namin sa kanila. Wala kaming pangamba kung saan sila tatanda."

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nakatutuwang isipin na likas na mapagmahal sa mga magulang ang mga Pilipino na kahit na may kanya-kanya nang mga pamilya ang anak, hindi pa rin nila nakalilimutan ang kanilang mga magulang.

Ang iba pa nga, isinasama pa rin ang kanyang mga magulang sa kanila kahit na mayroon na silang pamilya para lamang masigurong naalagaan nila ang mga ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica