Anak, nanlumo nang malimas ang kanyang GCASH ng nagkunwaring tutulong sa amang may sakit

Anak, nanlumo nang malimas ang kanyang GCASH ng nagkunwaring tutulong sa amang may sakit

- Labis na nanlulumo ngayon ang isang lalaki matapos na malimas ang laman ng kanyang GCASH

- Na-scam umano siya ng nagpakilalang magpapaabot ng tulong sa ama niyang may sakit

- Nagpost kasi ang anak na humihingi ng tulong para sa pagpapagamot ng kanyang ama

- Ipinakita rin ng lalaki kung paano siya naloko ng nagsasabing tutulong dahil na rin sa pagbibigay niya ng detalye ukol sa kanyang account

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng netizen na si Jayvee Buracan tungkol sa kung paano siya na-scam ng nagpakilalang magbibigay tulong sa kanya.

Nalaman ng KAMI na una nang nagpost si Jayvee tungkol sa paghingi ng tulong para sa pagpapagamot ng kanyang ama.

Dahil dito, may ilan namang rumesponde at nagbigay tulong hanggang sa nagpakilala na nga ang isang Christian Perez na magpapaabot daw ng tulong sa ama ni Jayvee.

Read also

Viral "spaghetti" na ipinagpasalamat ng birthday boy, recipe pala ng yumaong ama

Anak, nanlumo nang malimas ang kanyang GCASH ng nagkunwaring tutulong sa amang may sakit
Ama ni Jayvee na kanilang ipinagagamot (Photo from Jayvee Buracan)
Source: Facebook

Ayon sa nagpakilalang si Christian, nasa BDO raw siya at magdedeposito ng pera para sa ama ni Jayvee bilang tulong.

Agad na nagpasalamat na si Jayvee ngunit hindi niya alam na lilinlangin lamang pala siya nito.

Sa simpleng conversation, nakuha ni Christian ang security code na dapat na si Jayvee lamang ang nakakaalam para sa kanyang GCASH.

Dahil dito, nabuksan ni Christian ang account ni Jayvee at nalimas ang laman nitong nasa Php15,000.

Napapaniwala kasi siya nito na ang security code ay dapat niyang ibigay sa magpapadala dahil iyon daw umano ang instruction ng "head" ng nasabing bangko.

Maraming netizens ang naawa kay Jayvee dahil malinaw na hindi nito alam ang proseso kaya naman madali itong naloko.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kawawa naman itong anak na nagpapakahirap na maipagamot ang tatay niya siya pa ang naloko"

Read also

Groom, nakita lamang ang mukha ng kanyang bride matapos silang ikasal

"Tama lang din na nai-share ito ni Jayvee para narin maging aware ang iba at hindi na maloko pa"
"Ang swabe ng usapan nila o, nakuha na agad nung Christian na yan yung detalye na kailangan niya para makapagnakaw at sa tao pang nangangailngan ah. Dapat mahanap itong manloloko na ito"
"Triple ang grasya na babalik sa inyo Jayvee, habang triple rin naman ang karma ng ahharapin ng magnanakaw na yan"
"Halang ang kaluluwa ng taong yan, alam na gipit at nagpapagamot, nanakawan pa!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasabay ng iba't ibang suliranin ngayong pandemya ay ang patuloy na mga panloloko o panlilinlang na nakasasagabal pa sa mga hanapbuhay o lalong nakapagpapahirap sa mga kababayan nating naghihikahos.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

17-anyos na raketera, hands-on sa ipinatatayong bahay para sa kanyang ama

Isa na rito ang kabi-kabilang fake booking sa mga delivery riders na naging sanhi pa ng pagkaabala at kabawasan ng kanilang kita na para rin naman sa kanilang mga pamilya.

Meron din naman na nakuha pang manloko ng matandang naghahanapbuhay sa pagbabayad ng pekeng pera. Mabuti na lamang at marami ang nagmalasakit sa kanya at umaapaw na biyaya naman ang kanyang natanggap matapos na mag-viral ang post tungkol sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica