Spaghetti ng viral birthday boy na luto ng ina kahit may bagyo, recipe pala ng yumaong ama

Spaghetti ng viral birthday boy na luto ng ina kahit may bagyo, recipe pala ng yumaong ama

- Umantig sa puso ng maraming netizens ang viral post ng batang nagpasalamat sa ina na nagluto pa rin ng spaghetti para sa kanyang birthday

- Bumabagyo raw noon sa kanilang lugar ngunit pinagbigyan pa rin ng kanyang ina ang hiling nito na spaghetti para sa kanyang kaarawan

- Ngunit lalong naatig ang mga netizens nang malaman na ang spaghetti palang luto ng ina ay recipe naman ng kanyang yumaong ama

- Ito rin ang unang birthday ng binatilyo na hindi na niyang kapiling ang ama na kamamatay lamang noong Abril 2

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mas lalong naantig ang puso ng mga netizens nang malaman ang kabuuan ng kwento ni "Spaghetti boy", Rodelio Tualla.

Matatandaang nag-viral ang kanyang post kung saan nagpasalamat siya sa kanyang ina na naipagluto pa rin siya ng spaghetti kahit na bumabagyo sa kanilang lugar nang mga oras na iyon.

Read also

Birthday boy sa Bulacan, nagtayo ng community pantry kaysa magkaroon pa ng party

Nalaman ng KAMI na umabot sa 738,000 na heart react ang kanyang post at dahil din dito, inulan siya ng maraming biyaya at tulong.

Spaghetti ng viral birthday boy na niluto ng ina kahit may bagyo, recipe pala ng yumaong ama
Photo: Rodelio Tualla
Source: Facebook

Isa na rin sa mga nakapukaw ng atensyon sa post ni Rodelio ang programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Doon naibahagi ni ng 13-anyos na si Rodelio ang ilan pang mga detalye tungkol sa kanyang post.

Php300 na lamang ang pera ng kanyang ina noon. Ngunit sinikap nitong pagkasyahin ang natitirang pera upang mapagbigyan ang hiling ni Rodelio na makapagluto ito ng spaghetti para sa kanyang birthday.

Kaya naman kahit na bumabagyo ay lumabas para bumili ng mga rekado ang ina at nagluto ng isang kilo ng spaghetti.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Subalit ang spaghetti palang ito ay recipe ng yumaong ama ni Rodelio na inatake sa puso nito lamang Abril 2.

Read also

62-anyos na Pasabuy rider, 'di iniinda ang cancer at tumutulong pa sa mga kapos-palad

Kaya naman, unang kaarawan ni Rodelio na wala na ang kanyang ama na siyang nagluluto ng spaghetti para sa kanila.

Gayunpaman, laking pasalamat ng kanilang pamilya na bagaman at sila ay kulang na, marami ang nagpaabot sa kanila ng tulong at tuloy pa rin naman ang pagsisikap ng kanyang ina na isang guro sa pagtataguyod sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa rin sa mga hindi makakalimutang episode ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho ang baby switching na naganap sa pamilya Sifiata at pamilya Mulleno.

Enero 31 nang isa-ere ng KMJS ang kwento ng hinihinala pa noong napalitang sanggol sa ospital. Marami ang naalarma at nabahala sa kwentong ito sa pag-aakalang sa pelikula lamang o teleserye nangyayari ang ganitong sitwasyon.

Read also

Bride-to-be, binenta ang gown at wedding ring nang mahuling nagloloko ang fiancé

Umabot sa part 5 ang episode na ito ng KMJS kaya naman marami ang natuwa at "happy ending" naman ang kinahinatnan ng dalawang sanggol sa dalawang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica