Birthday boy sa Bulacan, nagtayo ng community pantry kaysa magkaroon pa ng party

Birthday boy sa Bulacan, nagtayo ng community pantry kaysa magkaroon pa ng party

- Ipinagdiwang isang 7-anyos na bata sa Bulacan ang kanyang kaarawan sa pagtatayo ng isang community pantry

- Suot ang kanyang spiderman costume, nag-pose pansumandali ang birthday boy sa itinayong pantry ng kanyang mga magulang

- Imbis na magkaroon ng party, minabuti ng kanilang pamilya na magbahagi ng mga pagkain lalo ngayong dumaranas pa rin tayo ng pandemya

- Sa mura niyang edad ay tila nauunawaan na raw ng bata ang mga kaganapan kaya't maging siya ay nais na tumulong na naisagawa naman ng kanyang mga magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang batang lalaki sa Bulacan ang nagdiwang ng kanyang ikapitong kaarawan sa pamamagitan ng pagtatayo ng community pantry

Nalaman ng KAMI na ang batang ito ay si Andreu, na imbis na mag-party ay nakiisa na lamang sa adhikain ng marami na tumulong sa kapwa.

Read also

Bride-to-be, binenta ang gown at wedding ring nang mahuling nagloloko ang fiancé

Birthday boy sa Bulacan, nagtayo ng community pantry kaysa magkaroon pa ng party
Birthday Boy Andreu (Photo from Trish Peñaflor)
Source: Facebook

Sa panayam ng Manila Bulletin kay Trish Peñaflor, ang kababata at matalik na kaibigan ng ina ni Andreu, sinabi nitong bihira raw ang batang tulad ni Andreu na masaya sa ganoong klaseng selebrasyon.

Suot ang kanyang Spiderman costume, nagpakuha ng larawan ang may kaarawan sa community pantry na na-set up ng kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

“A touch of kindness at Andreu’s 7th birthday.”

Ayon naman sa ina ng bata na hindi na ipinaalam pa ang kanyang pangalan, sa murang edad ng kanyang anak ay tila nauunawaan na raw nito ang nangyayaring pandemya.

Kaya naman naintindihan din nito ang kahalagahan ng pagbabahagi na siya raw mismo ang nagnais para makatulong sa mga kababayan nating mas lalong naghirap sa pandemya.

Narito ang mga larawan ni Andreu mula kay Trish Peñaflor na ibinahagi rin ng Balitang SJDM:

Read also

Batang nagbigay ng mga kamote sa kanilang community pantry, bibigyan ng scholarship

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tila naging domino effect na ang mga community pantry sa bansa na malaki ang naitutulong sa mga kababayan nating lalong naghikahos dahil sa pandemya.

Ang nakatutuwa pa sa nangyayari, kahit ang mga inaakala nating nangangailangan ng tulong, sila pa itong nagmamalasakit na magbigay sa kanilang community pantry.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Katunayan, isang batang lalaki ang nabigyan ng scholarship ng isang organisasyon matapos magbigay ng kalahating kilo ng kamote ang kanyang pamilya sa kanilang community pantry.

Labis na natuwa sa kanya ang mga organizers lalo na at makailang beses pa talagang nagbigay ng donasyong kamote ang pamilya ng bata.

Kaya naman ang naging sukli nito ay ang pag-aaral niya mula elementarya hanggang kolehiyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica