Bride-to-be, binenta ang gown at wedding ring nang mahuling nagloloko ang fiancé

Bride-to-be, binenta ang gown at wedding ring nang mahuling nagloloko ang fiancé

- Isang kasalang nakatakda na ang tuluyan nang kinansela matapos mahuli ng bride-to-be ang kanyang fiancé na may kasamang ibang babae sa beach

- Labing-isang taon nagtagal ang relasyon ng magkasintahan ngunit sa isang iglap ay nasira ang kanilang relasyon

- Ayon sa isang netizen na nagbahagi ng kwento ng bride-to-be, nagpasya na lamang umano itong ibenta ang mga gagamitin sana nila sa kasal

- Maging ang venue na kanyang nabayaran na ay binenta na lamang niya sa murang halaga para mabalik kahit papaano ang kanilang nagastos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng mga reaksiyon at simpatya ang nangyari sa isang bride-to-be na ilang beses nang nauurong ang petsa ng kasal sa kanyang kasintahan ng 11 taon dahil na rin sa pagpapatupad ng ECQ.

Bride-to-be, binenta ang gown at wedding ring nang mahuling nagloloko ang fiancé
Junesa Ann Infante
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ukay-ukay vendor na naloko ng pinagkukunan ng paninda, natulungan matapos mag-viral

Nang mapagpasyahan na ang final na petsa para sa kasal, natuklasan ng bride-to-be na may kasamang ibang babae ang kanyang mapapangasawa matapos i-post ng babaeng iyon ang kanilang mga litrato sa isang travel group sa social media.

Dahil dito, napagpasyahan ng bride na ibenta na lamang ang lahat ng mga binayaran at binili nila para sa kasal para kahit papaano ay maibalik ang kanilang ginastos.

Bukod sa mga simpatyang natanggap ng bride, marami din ang nagpakita ng interes na bilhin na lamang ang mga binibentang gamit.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Groom, muntik nang maikasal sa iba dahil sa maling direksyon ng Google Map

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel