Groom, muntik nang maikasal sa iba dahil sa maling direksyon ng Google Map

Groom, muntik nang maikasal sa iba dahil sa maling direksyon ng Google Map

- Muntik nang maikasal sa ibang bride ang isang groom na naligaw at napunta sa ibang venue

- Kasama pa naman ng groom ang ilan sa mga bisita na kampante nang umupo sa ibang kasalan

- Laking gulat nila na iba palang kasalan ang napuntahan kaya naman agad nilang hinakot ang kanilang mga dala

- Maling direksyon ang naibigay sa kanila umano ng Global Positioning System (GPS) kaya naman sa ibang kasalan sila napunta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon sa social media ang kasalang muntik nang mabulilyaso dahil sa maling direksyon na naibigay ng Global Positioning system (GPS)

Nalaman ng KAMI na naganap ito sa Magelang, isang probinsya sa Central Java sa Indonesia, kung saan muntik nang maikasal sa ibang bride ang groom.

Ayon sa Borobudur News, ang bride ang nagpadala ng mismong address upang mai-pin ito ng kanyang groom gamit ang GPS.

Read also

Simot! Grupo ng kababaihan, nilimas ang laman ng isang community pantry

Groom, muntik nang maikasal sa iba dahil sa maling direksyon ng Google Map
Photo from Pixabay
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sinabi niyang tama naman ang naibigay niya kaya naman ang kanyang sinisi ay ang Google Map na mali ang naibigay na direksyon sa kanyang groom.

Kasama ng groom ang ilan sa kanilang mga bisita na may dalang mga regalo at ilan pang gagamitin sa kasalan.

Nagkataon na ang lugar kung saan umano sila itinuro ng GPS ay mayroon ding kasalan.

Kampante na ang mga bisita na umupo sa kasalan nang makita nila na hindi pala ito ang tamang lugar ng kanilang pupuntahan.

Kaya naman makikita sa video na naghahakot muli ang mga bisita na naligaw, gayundin ang groom na napangiti nalang at napakaway sa camera.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Camille Trinidad, naglabas ng sama ng loob kaugnay sa lumabas na isyu

Kamakailan ay nag-viral ang isang kakaibang wedding proposal kung saan lima ang engagement ring na inihanda ng nobyo na pagpipilian ng kanyang soon-to-be bride.

Matapos na makapili ng isa, isinuot pa rin ng nobya ang iba pang singsing na lahat talaga ay nagustuhan niya.

Dahil tila wala pang kasiguraduhan ang pagtatapos ng pandemya, ilan talaga sa mga magkakasintahan ay itinutuloy pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib kahit gaano pa man ito kasimple o kaiba sa kanilang pinag-planuhan. Sumunod pa rin sila sa mga safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel