BF na 5 engagement ring ang inihanda para sa kanyang nobya, viral

BF na 5 engagement ring ang inihanda para sa kanyang nobya, viral

-Viral ngayon ang kakaibang proposal ng isang lalaki na limang singsing ang inihanda para maging engagement ring

- Para makapili ang kanyang nobya, hindi lamang isang singsing ang kanyang inilabas habang tinatanong ang kanyang GF ng "will you marry me?"

- Ang babae, labis na nagulat at aminadong naguluhan sa pagpili dahil lahat ay nagustuhan niya

- Bukod pa rito, talagang bongga ang naging proposal dahil sa may helicopter pa silang ginamit kung saan lulan ang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang kakaibang marriage proposal ng lalaking si William Hunn sa kanyang kasintahan na si Brittney Miller sa Atlanta, Georgia.

Nalaman ng KAMI na hindi lamang isa kundi limang engagement rings ang inihanda ni William para may pamilian ang ang babaeng nais niyang makasama habang buhay.

Lulan ng isang helicopter, lumapag sa isang rooftop ang magkasintahan. Walang kaalam-alam si Brittney sa mga inihanda ni William para sa araw na iyon.

Read also

Jennica Garcia, 'di napigilang maging emosyonal sa kanyang pinagdadaanan

Lalaki, 5 singsing ang inihanda sa prposal para makapili ang babaeng nais niyang pakasalan
Photo: Brittney's 5 engagement rings (@mz_miller)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

At sa paglapag ng kanilang sasakyan, agad na lumuhod si William at inilabas ang limang singsing at tinanong na si Brittney ng "will you marry me?"

Aminado si Brittney na bahagya silang naguluhan kung ano ang pipiliin niya sa lima sa pagsabi niya ng "yes!" kay William.

"I was so surprised. And then five rings that I was torn between! I had a rush of so many emotions while still trying to figure out how he pulled all of this off without knowing!! I cried, a lot."

Talagang nasurpresa si Brittney lalo na sa preparasyong ginawa ni William para sa espesyal na araw na ito para sa kanila.

Agad naman silang nagkaroon ng selebrasyon kung saan dumalo ang lahat ng kanilang mga mahal sa buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Online seller na may isang viewer lang sa live selling, nagbigay inspirasyon sa marami

Narito ang kabuuan ng proposal na ibinahagi mismo ni Brittney na kanyang Instagram:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Maging sa Pilipinas, marami sa ating mga kababayan ang hindi nagpatinag sa pandemya at itinuloy ang kanilang pag-iisang dibdib.

Mayroon pa nga na lumusong pa talaga sa rumaragasang tubig matuloy lamang ang kanilang kasalan kasabay pa nito ang banta ng COVID-19.

Mayroon ding nakasuot pa rin ng face mask kahit sa seremonya ng kanilang kasalan upang masiguro pare-pareho silang sumusunod sa safety protocols at patuloy na maging ligtas sa nasabing virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel