Online seller na may isang viewer lang sa live selling, nagbigay inspirasyon sa marami
- Viral ang post ng isang online seller na nakaranas na isa lang ang kanyang naging viewer sa live selling
- Subalit imbis na panghinaan ng loob, nagpasalamat pa rin siya sa mga sumusuporta sa kanyang negosyo lalo na sa isang tagapanood nang araw na iyon
- Tila mas lalo pa raw umano siyang ginanahan sa trabaho at bagaman minsan ay napapagod ay hindi naman niya ito susukuan
- Umabot sa 6.7K ang positibong reaksyon sa naturang post at 2.7K shares na rin ang kanyang viral post
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-eksena sa social media ang inspiring post ng negosyante na si Aloha Carlo.
Ibinahagi niya kasi ang kanyang larawan kung saan isa lamang ang viewer niya sa kanyang love selling.
Mga bed sheets at bed cover ang mga paninda ni Aloha at mayroon din siyang mga skin care products.
Kwento niya, mula sa isa umabot naman ng lima ang kanyang mga tagapanood sa live selling. Ngunit ang limang ito ay naging dalawa hanggang sa bumalik na lamang ito sa isa.
Gayunpaman, hindi pinanghinanaan ng loob si Aloha at pinasalamatan pa ang isang viewer na ito na hindi siya iniwan nang gabing iyon.
"Sa Negosyo 'di palaging malakas, minsan talaga aabot sa ganito but I'm still thankful because at that time, one person is still supporting me"
Aminado naman na napapagod pero hinding-hindi raw niya susukuan ang kanyang ginagawa.
Dahil dito, maraming netizens ang humanga sa ipinakitang ugali ni Aloha pagdating sa pagnenegosyo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"That's the spirit! Go lang po ng go, hindi mo namamalayan malaki na pala ang negosyo mo"
"I admire you po, ganyan naman talaga sa pagnenegosyo, pero dahil sa kasipagan mo, diyan ka aangat"
"Very inspiring po ang post mo, i-tag ko po ang mga online seller ko na friends para ma-inspire din sila"
"'Yang 1 viewer mo, magiging 10 tapos 50, 100 hanggang sa maging libo na yan, tuloy mo lang kapatid!"
"Don't give up kuya, pasasaan ba at may patutunguhan din po ang kasipagan mo"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ngayong pandemya, maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho kaya naman kanya-kanya silang diskarte maipagpatuloy lamang ang ang pagsuporta sa kani-kanilang pamilya.
Subalit, minsan kahit gaano pa sila kasipag sa pagsusumikap na maitaguyod ang pamilya, 'di maiwasan na nagiging biktima pa umano ang ilan ng panloloko o pagmamaltrato.
Sa halip, sana'y suportahan na lamang sana natin ang bawat isa lalong-lalo na sa panahon ngayon na humaharap tayo sa matinding pagsubok sa dinaranas nating krisis ng pandemya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh