Susi ng motor ng delivery rider, bigla na lang kinuha ng nakaalitang customer
- Viral ngayon nag video kung saan makikita kung paano hinablot ng customer ang susi ng motor ng delivery rider
- Bagaman at may kalayuan ang kuha, maririnig na ang paninigaw ng babae sa rider
- Sinasabing tila may kulang sa nai-deliver nito at tila ito na ang ikalawang beses na nagkakaroon ng problema sa delivery sa customer
- Ayon pa sa customer humingi na siya ng paumanhin sa rider subalit ito pa umano ang nagagalit sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isa na namang kaganapan ang nakunan ng video sa pagitan ng isang delivery rider at customer nito.
Sa umpisa ng video maririnig ang babaeng customer na sumisigaw at sinasabing humihingi na siya ng paumanhin sa rider na nagagalit pa umano sa kanya.
Bagaman at may kalayuan ang kuha ng video, makikita rin ang isa pang lalaking customer na lumapit na rin sa delivery rider.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Patuloy pa rin sa pagsigaw ang babae gayundin ng kasama nitong lalaking cutomer na iginigiit na nagagalit sa kanila umano ang rider.
Paliwanag pa ng babae, kulang na rin daw kasi ang naunang nai-deliver sa kanya.
Maya-maya pa, makikitang lumapit na sa motor ng rider ang lalaking customer na pilit na kinukuha ang susi ng motorsiklo nito.
Bukod dito, napansin din ng kumukuha ng video na pati rin ang ID ng rider ay kinuha ng lalaking customer.
Hindi na naipakita pa sa video kung naibigay muli ang mga kinuhang gamit ng rider.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng video na naibahagi rin ng Anything Viral:
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan, halos sunod-sunod ang mga masasaklap na pangyayaring kinasasangkutan ng mga delivery riders.
Bukod sa mga fake bookings, naroon din ang pagsita sa kanila sa pagde-deliver kahit curfew hours gayung pagkain naman ang kanilang ihahatid.
Subalit mayroon din namang mga tao na matapos ang mga ganitong klaseng pangyayari, ay nagbigay ng pasasalamat sa mga delivery riders na malaki ang naitutulong sa ating kaligtasan ngayong panahon ng pandemya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh