Groom, nakita lamang ang mukha ng kanyang bride matapos silang ikasal

Groom, nakita lamang ang mukha ng kanyang bride matapos silang ikasal

- Viral ngayon ang kakaibang love story ng groom kung saan nakita lamang ang kanyang bride matapos ang seremonya ng kanilang kasal

- Dating kristyano ang lalaki habang ang babae naman ay isang Muslim kaya naman nakasuot siya ng niqaab

- Ngunit dala ng kanilang pagmamahal sa isa't isa, nagpa-convert na sa Muslim ang lalaki at sila ngayon ay kasal na

- Ayon pa sa groom, bonus na lamang daw ang magandang mukha ng kanyang misis gayung minahal na niya ito ng sobra bago pa man niya ito makita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang namangha sa kakaibang love story nina Mehdi Isa Arathoon at Mubina Mustafa kung saan nakita lamang ng lalaki ang mukha ng kanyang pinakamamahal matapos nilang ikasal.

Nalaman ng KAMI na dating kristyano si Mehdi habang si Mubina naman ay isang Muslim kaya naman nakasuot siya ng niqaab.

Read also

Ilang Sariaya farmers, personal na nagbahagi ng gulay sa community pantry sa QC

Nagkakakilala ang dalawa sa Facebook page ng kanilang paaralan hanggang sa naging magkaklase sa isang subject.

Groom, nakita lamang ang mukha ng kanyang bride matapos silang ikasal
Photo: Medhi and Mubhina (@Medhi&MubinaTV)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

At nang magpatulong si Mubina kay Mehdi sa isa nilang assignment, doon na sila nagsimulang magkamabutihan.

Hindi nagtagal, napagdesisyunan na ni Mehdi na magpa-convert sa pagiging Muslim dala na rin ng matinding pagmamahal niya kay Mubina. Hanggang sa ikasal sila sa Muslim rites.

Kwento ng bride, maging sa kanilang mismong kasal, hindi pa rin nakita ni Nehdi ang kanyang mukha.

"On our wedding, my face was not covered. Why? Because the men and women were separated and when my husband had to see my face, we actually went to a private room and that's when he got to lift my veil"

At nang makita na nga ni Mehdi ang mukha ni Mubina, Napa-wow talaga ito at napaluha.

Read also

TV show sa Iraq, binatikos dahil sa terrorist prank na ginawa nila sa isang aktres

"I felt a little weird because I'd spent four or five years without seeing her face... I started tearing up"

Dagdag pa niya, bonus na lamang talaga ang magandang mukha ng kanya na ngayong misis dahil sa minahal na niya ito bago pa man niya makita ang kanyang itsura.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa Pilipinas, ilang mga kakaibang wedding stories din ang naganap lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Noong nakaraang taon, nag-viral ang kasalan kung saan lumusong sa rumaragasang tubig ang groom gayundin ang kanyang bride matuloy lamang ang kanilang kasalan.

Kamakailan, isang groom naman ang naligaw at muntik pang maikasal sa ibang bride dahil sa umano'y maling lokasyon na itinuro sa kanila ng kanilang GPS.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel