Basel Manadil, napasaya at natulungan ang Padyak rider na PWD

Basel Manadil, napasaya at natulungan ang Padyak rider na PWD

- Nakita lamang ng vlogger na si Basel Manadil na walang pasahero ang Padyak rider na si Hilario

- Ito ang bago niyang natulungan sa bagong vlog na ibinahagi niya ngayong Mayo 17

- Nagpanggap muna siyang pasahero at doon napansin niyang may kapansanan pa pala ang rider

- Makikita ang labis na kasiyahan ng rider nang mabigyan ng mga tulong ni Basel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang kababayan natin na kapos-palad ang natulungan ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer.

Nalaman ng KAMI na nadaanan lamang umano nito ang padyak rider na si Tatay Hilario.

Mapapansing halos makatulog na ito habang nakaupo at naghihintay sa kanyang pasahero.

Basel Manadil, napasaya at natulungan ang Padyak rider na PWD
Photo: Basel Manadil (The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

Kaya naman nagpanggap na pasahero si Basel upang maisagawa ang pagtulong niyang gagawin kay Tatay Hilario.

Read also

Frontliner, hands-on pa rin sa kanilang online food business

Napansin ni Basel na may kapansanan pa pala si Hilario ngunit kahanga-hanga ang kanyang sipag sa paghahanapbuhay.

Una muna niya itong ipinamili ng damit at iba pang gamit at pinag-merienda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Bago sila maghiwalay, binigyan niya ito ng sobre na naglalaman ng malaking halaga upang makaluwag sa gastusin si Tatay Hilario.

Kapansin-pansin ang saya ng padyak rider sa mga biyayang natanggap mula sa mabuti at mapagbigay na vlogger na si Basel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Read also

72-anyos na delivery rider, 'di na kinasuhan ang customer na muntik nang manakit sa kanya

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ilan sa mga grupo na kanyang natulungan ngayong pandemya ay ang mga jeepney at bus drivers gayundin ang mga masu-swerteng delivery riders na nabigyan niya ng tulong pinansyal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica