Raffy Tulfo, pumagitna sa masalimuot na love story ng 1 kolehiyala at doktor

Raffy Tulfo, pumagitna sa masalimuot na love story ng 1 kolehiyala at doktor

-Tinulungan ni Raffy Tulfo na magkasundo ang isang 19-anyos na babae at ng BF nito na doktor

-Ito ay matapos idulog ng 19-anyos na si Lyka ang reklamo nito laban sa dating nobyo

-Nais kasi nito na magkaroon sila ng maayos na pag-uusap tungkol sa kanilang magiging anak na nasa sinapupunan nito

-Dahil sa programa ni Tulfo ay nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na magkasundo para sa kanilang magiging anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 19-anyos na babae mula sa Batangas ang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo upang idulog ang reklamo nito laban sa dating nobyo na isang doktor.

Ayon kay Lyka Samson, 19-anyos mula sa Batangas, nais ng ex nito na si Dr. Riden Allan Cudiamat, 31-anyos at isang surgeon, na "mawala" ang kanilang anak na nasa sinapupunan niya.

Read also

Meryll Soriano, deadma sa mga bashers sa pag-iibigan nila ni Joem Bascon

Salungat daw ito sa naunang pangako ni Dok na nais na nitong gumawa ng pamilya kasama siya.

Raffy Tulfo, pumagitna sa masalimuot na love story ng 1 kolehiyala at doktor
Photo: Raffy Tulfo (Screen grab from Raffy Tulfo in Action)
Source: Facebook

Bukod dito, pinagdududahan pa raw ng dating nobyo kung ito ba ang ama ng kanyang dinadala.

Hindi na rin umano ito nakikipag-usap sa kanya.

Hindi naman itinanggi ni Dr. Riden ang mga sinabi ni Lyka lalo pa at may mga hawak na ebidensiya ang babae laban dito. Depensa nito, napag-alaman umano niya na hindi lang siya ang nakakasamang lalaki ni Lyka, itinanggi naman ng babae.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon naman kay Idol Raffy, posibleng mawalan ng lisensiya si Dok kapag nagreklamo laban dito si Lyka dahil sa masamang binalak nito sa kanilang anak.

Matapos magkausap sa programa ni Raffy Tulfo ay nagkaroon ng kasunduan ang dalawa nang personal na puntahan ng lalaki ang dating nobya sa bahay ng mga ito. Naglatag din daw ito ng settlement na sinang-ayunan ni Lyka.

Read also

Driver na umano'y nag-angas sa viral video, napaiyak nang maipa-Tulfo

Ngunit nais umano ng doktor na mag-public apology si Lyka dahil sa pagkakadamay ng ospital na pinapasukan nito. Nagalit din daw ang mga boss nito dahil sa eskandalo dulot ng reklamo ni Lyka laban kay Dok.

Ngunit ayon kay Tulfo, hindi kailangang humingi ng paumanhin sa ospital ang complainant dahil wala naman itong masamang sinabi laban sa ospital.

Hindi rin nakalimutang magbigay ng tulong ni Tulfo sa pamilya na labis ang pasasalamat dito.

Sa isa pang report ng KAMI, isang buntis naman ang harapan at paulit-ulit na tinanggihan ng kanyang kinakasama!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Read also

Raffy Tulfo, pinayuhan ang nagreklamong Food Panda rider na mag-resign na

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan lang, isang kaduda-duda umanong pagkamatay ang agad na inaksyunan ni Raffy Tulfo sa kanyang programa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel