Driver na umano'y nag-angas sa viral video, napaiyak nang maipa-Tulfo

Driver na umano'y nag-angas sa viral video, napaiyak nang maipa-Tulfo

- Naiyak ang umano'y maangas na driver sa viral road rage kamakailan nang maireklamo na ito sa 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo

- Ito ay dahil sa mga natatanggap niya pati na rin ng kanyang pamilya na pambabatikos mula sa mga netizens

- Humingi naman siya ng patawad sa kanyang pagkakamali ngunit nilinaw niyang hindi siya isang kriminal

- Gayunpaman, nais ng nagreklamo na tuluyan na itong matanggalan ng lisensya upang hindi na maulit ang maling nagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natunton na ng programang 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo ang umano'y maangas na driver sa viral video na kumalat sa social media kamakailan.

Nalaman ng KAMI na ito ay si Nestor Taruc na siyang inireklamo ng muntik na nitong madisgrasya na isa pang motorista na si Elexis Reyes.

Ayon kay Nestor, lumantad na siya sa programa upang ihingi ng paumanhin ang kanyang nagawa.

Read also

Chito Miranda, nilinaw ang post sa pagpapabakuna matapos kwestyunin ng netizens

Maangas na driver sa viral video, napaiyak nang maipa-Tulfo
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Marami na umano kasi siyang natatanggap na pambabatikos mula sa netizens na nakapanood ng video na na-upload ni Elexis.

Sa panayam naman ni Tulfo sa kapitbahay ni Nestor na tinago nila sa pangalang "Lyn" nabanggit nito na tila iba nga umano ang ugali ng inirereklamo.

Nadiskubre rin nila na tila mayroong itinatago si Nestor kaugnay sa minamaneho nitong sasakyan na hindi sa kanya nakapangalan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ang masaklap pa rito, nakapangalan ito sa isang lola na umano'y walang kakayanan na makabili ng sasakyan ayon sa anak na nakapanayam ng programs ni Tulfo.

May ilan ding katanungan si Tulfo na hindi basta masagot ng driver at isa na rito ay ang kanyang hanapbuhay na hindi niya basta masabi on-air.

Gayunpaman, hindi napigilan ni Nestor ang kanyang emosyon at talagang naiyak dahil nadadamay na rin umano ang kanyang pamilya sa mga komento ng netizens na hindi na umano katanggap-tanggap.

Read also

Viral na umano'y modus ng customer, inireklamo na ng delivery rider sa RTIA

Narito ang kabuaan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.3 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa sa mga natulungan ni Tulfo kamakailan ay ang Food Panda rider na umano'y hindi sinuportahan ng kanyang kompanya sa reklamo nito sa naging customer nila na umano'y nagka-cancel ng order kahit maayos niyang nai-deliver ang mga orders.

Nadugtungan naman ang buhay ng isang batang may kakaibang karamdaman dahil sa mga customer ni Tulfo sa kanilang Idol Shopping Network. Buong kabayaran kasi sa nabiling bag ng kanilang customer ay diretso sa bata at pamilya nitong nangangailangan ng tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel