Bag na nabili sa Idol Shopping Network, nakatulong sa pagpapa-opera ng isang bata
- Isang tatlong taong gulang na bata ang madudugtungan ang buhay dahil sa bag na nabili sa 'Idol Shopping Network'
- Ang buong halaga kasi ng bag ay diretso sa batang may karamdaman at kinakailangang ma-operahan
- Masaya rin ang customer dahil bukod sa nabiling bag ay nakatulong pa sila sa bata na dumayo lamang ng Maynila ang pamilya para magpagamot
- Labis namang nagpapasalamat ang pamilya ng bata dahil hindi sila binigo ng kanilang Idol Raffy Tulfo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ng programang 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo ang kwento ng batang si Ian na kanilang natulungan dahil sa bag na nabili ng kanilang customer sa Idol Shopping network.
Nalaman ng KAMI na ang tatlong taong gulang na batang si "Ian" ay mayroong Esophageal atresia, isang kondisyon kung saan hindi maayos na na-develop ang kanyang esophagus dahilan upang mahirapan itong kumain.
Kwento ng mga magulang ni Ian na sina Rodel Palattao at Gleiza Bangus, kararating lamang nila ng Maynila noong Marso at nakatakda na sanang operahan ang kanilang anak.
Subalit sa biglaang pagtaas muli ng kaso ng COVID-19, hindi ito natuloy habang patuloy na dumarami na ang kanilang gastusin.
Dahil dito, humingi na sila ng saklolo kay Tulfo at hindi naman sila nito binigo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Katunayan, ang bag ni Congresswoman Jocelyn Tulfo na nabili ng isang customer sa Idol Shopping Network sa halagang Php50,000 ay mapupunta sa batang si Ian.
Nang makapanayam naman ng staff ni Tulfo ang nakabili ng bag na si Jesusa Lapida at mister nitong si Nathaniel, masaya sila na bukod sa nakabili sila ng bag mula sa kanilang idolo ay makakatulong pa sila sa isang batang nangangailangan.
Agad na dinala ang Php50,000 sa pamilya ni Ian kaya naman labis ang pagpapasalamat nila kay Tulfo at sa customer na naging daan para matulungan sila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.3 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ilan sa mga natulungan kamakailan ni Tulfo ay ang twin beatboxer ng Cebu na binigyan niya ng surpresa ang pamilya.
Gayundin ang kambal na bulag na iniwan na ng kanilang ina sa kanilang lola. Nabigyan niya ng tulong pinansyal ang lola, mga laruan ang mga bata at iba pang mga pangangailangan nila.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh