Mag-asawa na parehong may "mahal na iba", magkasama pa rin sa isang bahay

Mag-asawa na parehong may "mahal na iba", magkasama pa rin sa isang bahay

- Marami ang tumutok sa episode ng 'Idol in Action' kung saan ang mag-asawa ay nagsasama pa rin kahit aminadong mayroon na silang iba

- Ang lalaki ang lumapit kay Tulfo na nais na raw na tuluyan nang makipaghiwalay sa misis

- Nais pa sana ng mister na kasuhan ang misis dahil sa pagkakaroon nito ng ibang lalaki

- Subalit isiniwalat ng misis na mayroon silang kasunduan na papayagan nila ang isa't isa na magkaroon ng iba gayung 'hiwalay na sila'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang maraming netizens ang tila naguluhan sa kakaibang set-up ng relasyon ng mag-asawang sina Lynette at Marvin Senolos.

Nalaman ng KAMI na dumulog kay Raffy Tulfo ang mister dahil sa umano'y pagkakaroon ng ibang lalaki ni Lynette.

Nais pa sana niya itong kasuhan lalo na at tila iniinsulto raw siya nito at pinagtatawanan.

Read also

Vlogger, nagpanggap na pulubi na nais makausap ang nanay niya ngayong Mother's Day

Mag-asawang parehong may "mahal na iba", magkasama pa rin sa isang bahay
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

nang makapanayam ni Tulfo ang misis, isiniwalat nito na mayroon pala silang kasunduan ng lalaki na hayaan ang isa't isa na magmahal ng iba gayung 'hiwalay' na sila kahit magkasama pa rin sila sa iisang tahanan.

Nang kumustahin sila ng staff ni Tulfo ay magkasama pa rin nga ang dalawa matapos na bigyan sila ng oras na pag-usapan ang sitwasyon.

Bagaman at nagkaroon pa rin ng kaunting pagtatalo, napagkasunduan at nagkaroon pa sila ng kasulatan sa barangay na sila'y patuloy na magsasama alang-alang sa kanilang mga anak.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

5-anyos na gusto nang bumalik sa school at makasama ang "totoong teacher", viral

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa sa mga natulungan kamakailan ni Tulfo ay ang twin beatboxer ng Cebu na binigyan niya ng surpresa ang pamilya.

Gayundin ang kambal na bulag na iniwan na ng kanilang ina sa kanilang lola. Nabigyan niya ng tulong pinansyal ang lola, mga laruan ang mga bata at iba pang mga pangangailangan nila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel