Babaeng nanakit ng enforcer sa viral video, aminadong gumagamit ng droga

Babaeng nanakit ng enforcer sa viral video, aminadong gumagamit ng droga

- Umamin ang lady driver sa viral video kamakailan na gumagamit umano siya ng ipinagbabawal na gamot

- Una nang natuklasan ng pulisya ang mga transaksyon sa cellphone ng babae kaugnay sa ilegal na droga

- Apat din umano sa mga kasama nito ay natiklo na rin ng mga awtoridad

- Dahil dito, patong-patong na ang kasong kahaharapin nito kasama na rin ang falsification at perhury gayundin ang estafa bukod pa sa mga naunang naikaso sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umamin ang babaeng motorista na si Pauline Mae Altamirano na gaumagamit umano siya ng ilegal na droga.

Ito ay matapos na matuklasan ng pulisya ang ilang transaksyon nito sa kanyang cellphone na may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.

Una nang naiulat ng KAMI na isa umanong courier ng ilegal na droga si Altamirano na nag-viral kamakailan sa pananakit sa traffic enforcer na si Marcus Anzures.

Read also

Babaeng nanakit ng enforcer sa viral video, sangkot umano sa ilegal na droga

Babaeng nanakit ng enforcer sa viral video, aminadong gumagamit ng droga
Photo: Pauline Mae Altamirano (Manila Public Information Office)
Source: Twitter

Beating the red light ang paglabag na nagawa ni Altamirano at nagawa pa siyang habulin ni Anzures.

Nang wala itong maipakitang aktwal na lisensya, doon na nagsimulang magwala at manakit ang babae ngunit kahanga-hanga ang maximum tolerence na nagawa ni Anzures na hindi nanlaban hanggang sa madala si Altamirano sa presinto.

Doon, nakita sa kanyang bag mismo ang ilegal na droga. Nahuli rin ang apat pa nitong kasama sa follow-up operations na ginawa ng pulisya noong Biyernes, Mayo 28.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang mugshot ng lady driver na si Altamirano na naibahagi rin ni Baby Aquino:

"Di po ako nagbebenta, gumagamit lang po. Nabiktima lang din," paliwanag pa ni Altamirano.

Patong-patong na kaso na ang kinakaharap nito tulad ng direct assault, disobedience to persons in authority, at driving without license.

Dahil din sa pamemeke umano niya ng mga ID, maari siyang makasuhan ng falsification, perjury at pati na rin estafa.

Read also

Viral na babaeng nanakit ng enforcer, mahaharap sa sandamakmak na kaso

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa rin sa mga nag-viral na video noong taong 2020 ay ang lady driver na nakaalitan sa parking ang pulis na nakilalang si Police Captain Ronald Saquilayan sa Taguig City.

Maging si Raffy Tulfo ay tumulong na mabigyang hustisya ang biglaang pag-aresto sa lady driver na si Mary Florence Norial at naglaan pa siya ng malaking halaga upang matutukan ang kaso nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica