Viral na babaeng nanakit ng enforcer, mahaharap sa sandamakmak na kaso

Viral na babaeng nanakit ng enforcer, mahaharap sa sandamakmak na kaso

-Sandamakmak na kaso ang haharapin ng nag-viral na babaeng nakuhanang nanakit ng isang enforcer

-Nauna nang naiulat na nahuli ang babae dahil sa paglabag nito sa batas trapiko

-Ngunit mas tumindi pa reklamo laban dito nang matuklasang sangkot din ito sa droga

-Bukod sa mga ito, nagpakita rin ito ng mga ID na magkakaiba ang pangalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sandamakmak na kaso ang haharapin ng babaeng motorista na nag-viral matapos makuhanang nanakit at lumaban sa isang traffic enforcer sa Maynila.

Kinilala ang babae na si Pauline Mae Altamirano na napag-alamang isang modelo.

Dahil sa nangyari ay sinampahan ito ng mga kasong direct assault, disobedience to persons in authority, at driving without license ng mga awtoridad.

Viral na babaeng nanakit ng enforcer, mahaharap sa sandamakmak na kaso
Photo: Viral lady driver who was caught hurting a traffic enforcer in Manila
Source: UGC

Ngunit mas tumindi pa reklamo laban dito nang matuklasang sangkot din ito sa droga. Ayon kay MPD-SMaRT chief Col. Rosalino Ibay, nadiskubre nilang mayroong ilegal na droga sa bag ng babae.

Read also

Babaeng nanakit ng enforcer sa viral video, sangkot umano sa ilegal na droga

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

Bukod dito, napag-alaman ding magdedeliver sana ito ng droga sa kliyente nito nang mahuli ito ng enforcer, batay sa report ng ABS-CBN News.

Nahuli naman sa isang entrapment operation ang mga kasabwat ni Altamirano sa Ermita kung saan nahulihan din ng ipinagbabawal na gamot na tinatayang nasa P34,000 ang halaga.

Nasakote ang mga ito matapos magpanggap ng mga awtoridad. Kinilala ang mga ito na sina Rendor Sanchez Esqueta, 30; Leopoldo Salamero Melliza, 20; Jason Dela Soriano, 29; at Marlon De Guzaman Acueza, 19, ayon sa report ng Manila Bulletin.

Bukod dito, posible ring maharap sa kasong falsification of documents at forgery si Altamirano dahil sa ipinakita nitong mga ID na may magkakaibang pangalan, ayon kay Ibay sa ulat ng Frontline Pilipinas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Lady driver sa viral video na walang lisensya at nanakit ng enforcer sa Maynila, arestado

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Una nang naiulat ng KAMI ang viral video kung saan nakita ang insidente nang sitahin ng enforcer na si Marcus Anzures na nauwi na nga sa pananakit dito ng babae.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel