Pulis na namaril sa isang lola sa QC, naipong galit ang idinahilan sa nagawa niya

Pulis na namaril sa isang lola sa QC, naipong galit ang idinahilan sa nagawa niya

- Marami ang nagimbal sa insidente ng pamamaril ng isang pulis sa Quezon City sa isang 52-anyos na ginang

- Kitang-kita sa video na kuha ng saksi ang karumal-dumal na pamamaril ng lasing na pulis sa walang kalaban-laban na ginang

- Ayon sa pulis, hindi daw siya nirerespeto ng biktima at inihingi niya ng tawad ang nagawa

- Sinabi niya ring binugbog siya ng dalawang anak ng biktima matapos niyang awatin umano ang mga ito sa kanilang pag-aaway

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inihingi ng tawad ni Master Sgt. Hensie Zinampan ang kanyang nagawa sa 52-anyos na lola sa Quezon City na nakuhanan pa ng video. Aniya, hindi siya nirerespeto ng mga ito.

Naganap ang kahindik-hindik na pangyayari sa Barangay Greater Fairview, Quezon City nitong madaling araw ng Lunes.

Pulis na namaril sa isang lola sa QC, naipong galit ang idinahilan sa nagawa nya
Photo: PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar (General Guillermo Eleazar)
Source: Facebook

Agad na binawian ng buhay si Lilibeth Valdez matapos itong malapitang barilin ng pulis.

Read also

PNP Chief Eleazar, gigil na gigil na kinausap ang pulis na namaril ng 52-anyos na babae sa QC

"Patawarin nila ako... Hindi nila ako nirerespeto. Binugbog ako. Na-black eye ako. Hindi nila nirerespeto ang pulis," aniya na tinutukoy ang dalawang anak ng biktima na umano'y inawat niya nang mag-away.

Inamin ito ng suspek sa panayam ng ABS-CBN News sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ipina-blotter ni Zinampan, na miyembro ng Police Security and Protection Group, sa Fairview police ang nangyari.

Kinondina ni Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar ang ginawa ni Zinampan nang kumprontahin ito sa tanggapan ng QCPD.

Tiyak na matatanggal sa serbisyo si Zinampan ayon sa PNP chief anupaman ang kalalabasan ng imbestigasyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bilang mga miyembro ng kapulisan, marapat lamang na bigyan ng respeto ang mga ito. Gayunpaman, dahil sa mga hindi kanais-nais na mga pangyayari na may kaugnayan sa pag-aabuso ng kapangyarihan, unti-unting nasisira ang imahe ng mga kapulisan.

Read also

PNP chief sa pamamaril ng pulis sa QC: "Karumal-dumal at hindi katanggap-tanggap"

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa nga sa pinakamalaking kaso kung saan sangkot ang isang pulis na yumanig sa publiko ay ang kaso ng pamamaril ni Nuezca sa mag-ina. Sa kanyang kauna-unahang panayam, sinabi ni Nuezca na pinagsisihan niya ang kanyang nagawa at nais niya umanong ituwid ang kanyang pagkakamali.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate