PNP chief sa pamamaril ng pulis sa QC: "Karumal-dumal at hindi katanggap-tanggap"

PNP chief sa pamamaril ng pulis sa QC: "Karumal-dumal at hindi katanggap-tanggap"

- Inihayag ni PNP Gen. Guillermo Eleazar na personal niyang tututukan ang itatakbo ng kaso ng pulis na umano'y namaril ng isang 52-anyos na babae sa Fairview, Quezon City

- Nilarawan din niyang karumal-dumal at hindi katanggap-tanggap ang nagawa ng pulis

- Nagpahayag din siya ng pakikiramay sa pamilya ng biktima at inihingi ng paumanhin ang pangyayari

- Agad din umano niyang ipatatanggal sa serbisyo ang pulis na umano'y nakainom nang magawa ang krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas na ng pahayag si PNP Gen. Guillermo Eleazar kaugnay sa pamamaril ni Police Master Sgt. Hensie Zinampan sa isang 52-anyos na babae sa Sitio Ruby, Barangay Greater Fairview, Quezon City nitong Lunes, Mayo 31.

Nalaman ng KAMI na nakunan pa ng video ng mismong kaanak ng biktima ang nagawang krimen ng pulis na mabilis na kumalat sa social media.

Read also

KMJS, nilinaw na hindi "scripted" ang pag-aararo at pagsasaka ni Reymark Mariano

Dahil dito, nilarawan ni PNP Chief Eleazar ang pangyayari na karumal-dumal at hindi katanggap-tanggap gayung ang mga pulis dapat ang nagpoprotekta sa mga mamamayan at hindi nag-aastang kriminal laban sa kanila.

PNP chief mismong tututok sa kaso ng pamamaril ng pulis sa 54-anyos na babae sa QC
Photo: PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar (General Guillermo Eleazar)
Source: Facebook

Humingi rin ng paumahin si Eleazar sa pamilya ng biktima at nangakong tututok mismo sa kaso hanggang sa makamit ng mga ito ng hustisya sa pamamaslang kay Lilybeth Valdez.

"Makakaasa ang pamilya na hindi ko palalampasin ito at personal kong tutukan ang mga kaso upang mabigyan nang hustisya ang biktima"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Humingi rin ng paumanhin maging sa publiko si Eleazar sa inasal ng pulis. Sinabi rin niyang gagawin niya ang lahat na maitama ang mga ganitong klaseng kamalian ng kanyang kabaro.

"Iilan lang ang mga bugok na ito sa aming hanay, kaya makakaasa kayo na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang itama ang mga kamaliang ito para sa proteksyon ng aming organisasyon at para maibalik ang tiwala na taumbayan sa kanilang kapulisan"

Read also

Lolo na naglalako ng gulay at namumuhay mag-isa, tutulungan ni Tulfo

Mahaharap sa criminal at administrative cases si Zimpanan na umano'y nakainom nang magawa ang walang-awang pagpaslang kay Valdez.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Hindi nalalayo ang kaso ni Zinampan sa nag-viral din na pamamaril ng dating pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio bago matapos ang taong 2020.

Ilang oras matapos na magawa umano ang karumaldumal na krimen, sumuko rin ito sa pulisya. Nahaharap sa kasong double murder ang dating pulis na siyang akusado sa kaso.

₱70 million na danyos din ang ipinababayad kay Nuezca bukod pa sa kanyang pagkakakulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica