Lolo na naglalako ng gulay at namumuhay mag-isa, tutulungan ni Tulfo

Lolo na naglalako ng gulay at namumuhay mag-isa, tutulungan ni Tulfo

- Matutulungan ni Raffy Tulfo ang isang lolo na naglalako ng gulay at namumuhay mag-isa

- Isang nagmalasakit na netizen ang dumulog kay Tulfo para matulungan ang lolo

- Swerte na raw kasi na kumita ang matanda ng Php150 sa isang araw para sa kanyang mga pangangailangan

- Bukod sa tulong pinansyal, ipagagamot din ni Tulfo ang lolo at bibigyan din niya umano ito ng mas maayos na matitirahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog sa programang 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo si Juribel Esmero upang maihingi ng tulong ang kanilang kababayan na si Lolo Renato Olaso.

Nalaman ng KAMI na mag-isa na lamang sa buhay ang lolo na mayroon pang karamdaman.

Sa kabila nito, sinisikap pa rin niyang magtinda ng gulay araw-araw upang mayroon siyang panggastos.

Lolo na naglalako ng gulay at namumuhay mag-isa, tutulungan ni Tulfo
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Kwento ni Tatay Renato, swerte na umano siya kung umabot sa Php150 ang kanyang kikitain sa maghapon.

Read also

Puto vendor sa 'pulubi prank' ni Ivana Alawi, patuloy na tumutulong sa mga kapos-palad

Ipinatitinda din lamang sa kanya ang mga paninda at hindi siya ang namumuhunan.

Nang usisain pa ni Tulfo ang buhay nito, napag-alamang nakatira ito malapit sa ilog na labis na mapanganib lalo na kung umuulan.

Makailang beses na ngang ipinagawa ng matanda ang kubo tuwing tumataas ang tubig sa ilog.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kaya naman bukod sa tulong pinansyal na magiging paunang biyaya ni Tulfo kay Lolo Renato, ihahanap din nila ito ng lupa kung saan maipagpapatayo niya ito ng mas maayos at ligtas na tirahan.

Magtutungo ang staff ng 'Raffy Tulfo in Action' sa kinaroroonan ng lolo sa Laguna upang maisaayos ang titirahan nito gayundin ang pagpapagamot sa kanya.

Ayon kay Tulfo, ang tulong na Php30,000 na ipadadala agad kay Lolo Renato ay mula sa napagbentahan umano nila sa Idol Shopping Network.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

OFW na janitor sa France, ipinakita ang mansion na kanyang naipatayo sa Pampanga

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.3 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica